KABANATA 27: WALA siyang pinalampas na sandali, kaagad niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at saka ako hinalikan sa labi. Nang magtama ang mga labi naming dalawa, pakiramdam ko may kung anong spark sa pagitan namin. Kusang pumikit ang mga mata ko kasabay ng pagdama ng kakaibang damdamin sa puso ko… s**t… iba na yata ‘to. Nanginginig na kumapit ako sa magkabila niyang balikat nang tuluyang gumalaw ang labi niya. Dinama ko ang bawat paghaplos ng malambot at mainit niyang labi na tila ba humahaplos pati sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam nito… masakit. Huling gabi na ito para sa aming dalawa, hindi pwedeng pumayag pa ako sa susunod dahil ayaw kong makasakit ako ng feelings ng ibang babae. Gumapang ang mainit niyang palad sa likod ko hanggang sa mayakap niya ang katawan ko. Paatras, ha