KABANATA 23: TAHIMIK niya akong pinakinggan habang ikinukwento ko sa kanya kung ano ang problema ko. Akala ko, hindi niya ako pakikinggan kagaya ng sinabi niya pero habang ikinukwento ko sa kanya ang nangyari at kung ano ang nararamdaman ko, tahimik lang siya at hinahayaan akong sabihin ang lahat. At nang tuluyan na akong matapos sa pag-iyak at paglalabas ng sama ng loob, niyakap niya ako at kinulong sa kanyang bisig. “Valerie, it’s okay to fail,” bulong niya. Marahang hinaplos ni Sir Gideon ang buhok ko habang patuloy na nagsasalita. “Kung nagkamali man ang kapatid mo, at nabuntis siya ng lalaking hindi kayang panagutan ang bata, it’s still not the end for her. Everyone will go through sufferings that will make them strong and I guess the child would make her stronger.” “Weh? Paano mo