(Sia) "Señorito?" Napalingon ako kay Niall nang bigla nalang niyang hinawakan ang braso ko habang nakikipag-text ako sa kapatid ko. Kakatapos ko lang kasing magwalis kaya heto, nagpapahinga muna ako saglit. Naaaliw pa 'ko sa kapatid ko kasi pina-practice niya ang cellphone niya at kinukulit akong makipagtext sa kanya. "Akala ko bumili ka ng bagong cellphone?" tanong ni Niall. Napakunot-noo ako. "Bumili ba 'ko ng bago?" Ilang sandali akong nag-isip bago naalalang bumili nga ako. Oo, bumili ako pero para sa kapatid ko at hindi para sa sarili ko. "Ah, yung Smartphone na binili ko no'ng bago ako umuwi sa amin..." tumango-tango ako... pero alam niyang bumili ako? "Teka! Pa'no mo nga pala nalaman 'yon? Nando'n ka rin ba sa mall no'ng araw na 'yon?" sunod-sunod kong tanong. Umiwas siya't t

