3- "Okay ka lang, miss beautiful?"

1737 Words
"SIA, ingatan mo 'yang mga antiques ha? Mahirap na't baka makabasag ka." Ngumiti at tumango ako kay ate Virjilla. Isa rin sa mga kasambahay na nagtatrabaho dito kina sir Montgomery. Maingat at dahan-dahan ako sa pagpupunas ng mga vase. Habang nagpupunas hindi maiwasang paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang mga nangyari kahapon sa unang araw ko dito sa bahay ng mga Montgomery partikular na sa ginawa ni sir Niall. Naramdaman kong nag-iinit na naman ang pisngi ko't nagwawala na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Urrggh! Bakit ba kasi niya ginawa 'yon?! Ba't kailangan niya akong halikan! Wala pa man din kahit sinong nakakahalik sa akin! First kiss ko 'yon eh! Ba't kailangan sa kanya pa mapunta! "Sia hija?" Napalingon ako sa papalapit na si sir Anthony. "Kumusta naman ang unang araw mo sa pananatili rito sa bahay?" "A-ayos lang po, sir." Sa kabila ng nangyari kahapon, hindi kailaman ako magrereklamo. Wala akong karapatang magreklamo sa kabaitan ng ginoo dahil lang sa ginawa ng arogante niyang anak. "Mabuti kung gano'n." tumango-tango s'ya. "Nga pala, here." may ibinigay siyang papel sa akin. Tinanggap ko ito at binuklat. Nagulat ako at sobrang natuwa nang makitang welcome notice iyon galing sa St. Porter University. Nakapangalan ito sa akin. "Bukas na bukas, pwede ka nang pumasok sa eskwela." magandang balita nito. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala! Kaya pala pinuntahan ulit ako kahapon nitong si sir Anthony at hiningi ang iilang papeles ko gaya nalang ng high school diploma, good moral, form 137 at birth certificate dahil pala ini-enroll na niya ako sa paaralang papasukan ko sa kolehiyo. Parang luluwa ang puso ko sa sobrang tuwa! "Maraming-maraming salamat po, sir!" Mabait na ngumiti at tumango siya. Ilang sandali pa'y nakaalis na siya't nagpatuloy ako sa paglilinis na ganadong-ganado. Makakapag-aral na ako! Sa wakas ay makakapag-aral na nga ako sa kolehiyo! Matutupad ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap at pati na ang maiahon sa hirap ang pamilya ko! Naalala ko tuloy ang madamdaming pamamaalam ko kahapon nang umalis ako sa amin sa probinsya bago ako nakarating dito sa Maynila. "Anak, sigurado ka na ba talagang gagawin mo ito?" mangiyak-ngiyak ang nanay ko habang hinahatid ako papalabas ng bahay. Positibong nginitian ko ang ina. "Opo, nay. Sigurado na po ako." "Hindi ka na ba talaga mapipigilan, anak?" malungkot din ang tatay ko. Inakbayan ko siya. "Tay naman! Alam n'yo naman pong gagawin ko ito para sa pangarap ko po 'diba?" Tumango siya. "Kung sana lang ay kaya naming suportahan ang pag-aaral mo sa kolehiyo, hindi mo sana kailangang malayo sa amin ng ganito..." Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Maging ako rin ay labis na nalulungkot na kailangan kong malayo sa nakalakihang probinsya at sa maliit na bahay na gawang nipa ngunit napupuno naman ng pagmamahal ng kumpleto naming pamilya. Paniguradong mamimiss ko lahat ng nandito kapag napunta na ako sa Siyudad ng Maynila. "Pasensya ka na, anak ha? Pasensya na kung hindi namin kayang suportahan ang pag-aaral mo sa kolehiyo-" "Nay..." pinutol ko si nanay saka inakbayan din ito. "Ayos lang po, 'nay. 'Wag n'yo pong sisihin ang mga sarili ninyo ni tatay. Buong buhay namin ng mga kapatid ko, naghihirap din naman kayo para mabuhay kaming magkakapatid kaya 'wag po kayong mag-alala, oras na nakahanap po ako ng trabaho sa Maynila at nakapag-aral tapos nakapagtapos, iaahon ko po kayo sa hirap at hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko." "Basta, ate, 'wag mo kaming kalilimutan kapag nasa Maynila ka na ha?" singit pa ng kapatid kong si Toto na umiiyak din. Si Toto ay kasalukuyang Grade 8 sa mababang paaralan ng probinsya namin. "Oo naman! Halika nga rito!" niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko. "Ate..." anang inosenteng si Nonoy. Itong si Nonoy nama'y Grade 5 sa pampubliko ring paaralan na elementarya. Niyakap ko rin pati ito. "Noy!" "Aalis ka, ate? Saan punta mo, ate?" sunod-sunod na tanong ng bunso. Nginitian at tinanguhan ko siya. "Oo, aalis muna si ate Sia pero 'wag kang mag-alala, babalik ako, Noy. Babalik ako at pinapangako kong pagkabalik ko dito, maibibigay ko na ang gusto mong regalo." "Talaga, ate?" nagningning ang mga mata nito. "Bibilhan mo ako ng selpon pagkabalik mo?" Tumango-tango ako. "Oo. Yung touch screen pa't maraming games." "Yeah hey!" "Ikaw, To? Anong gusto mong pasalubong pagkabalik ni ate Sia, ha?" baling ko ulit kay Toto saka marahang pinahid ang mga luha nito. Umiling siya. "Bumalik ka lang na natupad ang pangarap mo, ate, sapat na pong pasalubong sa akin." Nagalak ako sa sinabi ng huli. Napakabait na kapatid! Sa murang edad ay may matured nang pag-iisip. "Basta kayong dalawa, kapag nakaalis na ako magpapakabait kayo at 'wag kayong magpapasaway kina nanay at tatay ha?" Tumango-tango ang dalawa. "Opo, ate." Alam kong sa pag-alis ko'y wala akong aalalahanin sa mga kapatid ko dahil mababait naman ang mga ito. Si Toto ay nag-aaral ng mabuti, laging nagiging honorol sa klase, masipag sa eskwelahan maging sa pagtulong sa mga gawaing bahay pagkatapos ng eskwela tapos kapag wala namang klase ay tumutulong sa mga magulang namin sa sakahan. Si Nonoy na siyang bunso ay matalino din sa klase at hindi rin naaalis sa honor. "Sia! Handa na mga dadalhin mo? Halika na!" sigaw ni Mang Aldo nang dumating ito kasama ng tricycle nito na sasakyan ko papuntang bus station. "Nandiyan na si Mang Aldo, kailangan ko nang umalis." sabi ko saka muling binalingan ang ina't-ama para magpaalam. "Kailangan ko na pong umalis, nay, tay." Naiyak ulit si nanay. "Anak!" Tumulo na rin ang luha ko. Mahirap din para sa akin na malayo sa pamilya ngunit kailangan ko talaga itong gawin. "Nay!" niyakap ko siya ng mahigpit. Mas mahigpit ang yakap na balik nito sa akin. "Mag-iingat ka doon, anak. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin ng tatay mo." "Opo, nay! Lagi ko pong tatandaan 'yan." sabi ko saka niyakap din ang ama. "Tay..." "Ingatan mo ang sarili mo, anak, at tuparin mo ang pangarap mo." anito habang hinahagod ang buhok ko. "Iingatan ko po ang sarili ko't tutuparin ko po ang pangarap ko tapos babalikan ko po kayo rito at iaahon ko po kayo sa hirap. Mahal na mahal ko po kayo." Binalingan ko ang mga kapatid at marahang pinaglaruan ang buhok ng mga ito. "Aalis na si ate. Pakabait kayo ha?" Iyak nang iyak si Toto. "Ate..." Pinigilan ko nang maiyak pang lalo. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong ipakitang matapang ako sa desisyon ko upang hindi mag-alala ang mga ito sa pag-alis ko. "Ngayong aalis na ako, ikaw na muna ang magiging panganay. 'Wag mong pababayaan si nanay at tatay ha? Tapos lagi mo pa ring tuturuan ang kapatid mo sa mga assignments niya kapag nahihirapan siya. Ayos ba?" Tumango ito. "Ako nang bahala rito, ate, 'wag ka pong mag-alala. Mag-iingat ka." "Ikaw naman, Noy, magpapakabait ka lagi ha? 'Wag papabayaan ang pag-aaral. Sundin lagi sina nanay at tatay maging si kuya Toto, ha Noy?" Tumango ang inosenteng si Nonoy. "Opo." "Aalis na ako- ARAY!" Natigil ako sa kalagitnaan ng pagbabalik tanaw ko nang mabangga ako sa matigas na likod ng isang lalaki habang nagwawalis ako. "Aww!" napahawak pa ako sa ulo kong tumama sa matigas nitong likod. "Oh?" nagulat din ang lalaki saka nilingon ako. "Miss, okay ka lang?" nasa boses niya ang pag-aalala sa akin. Hinimas-himas ko ang aking noo bago nag-angat ng tingin sa kanya. Nagulat ako nang makita ang mukha niya. Ang gwapo! "Uy!" nagulat din siya at napangiti nang makita ako. "Maganda 'to..." Ano daw? Hindi ko naklaro yung huling salita niya ah! "Okay ka lang, miss beautiful?" cool na tanong pa niya. Ang gwapo talaga! Maamo ang kanyang mukha at mukhang palangiting tao. Mukha rin siyang playful and careless guy... Kung susuriin, parang kasing edad ko lang din siya. "Hey, you're staring at me!" marahang tawa niya saka kinaway ang kamay sa harap ko. Parang nagising tuloy ako't nabalik sa ulirat! 'Di ko napansing natulala na pala ako sa kanya. Ang gwapo kasi talaga! Parang ang bait ng itsura! Mukhang anghel! "I'm asking you, okay ka lang?" Tumango ako. "Oo..." "That's good. By the way, I'm Chun." naglahad s'ya ng kamay sa akin. Pinunas ko muna sa suot ko ang kamay ko bago nakipagkamay sa kanya. Ang ganda at ang lambot pa naman ng kamay niya kaya dapat kahit papaano malinis din yung kamay ko! "And you are?" ngiti niya sa kalagitnaan ng pagkakamay namin. Nag-init ang pisngi ko. Nakaka-carried away kasi yung dating ng ngiti eh! "Ah, Sia... Sia po, sir." "Scratch that 'po' and 'sir'. Chun nalang." "Opo- ay oo! Oo, Chun." ano ba! Natawa siya. "Alam mo nakakatuwa ka, Sia! Ngayon lang kita nakita rito ah? Bago ka lang dito?" "Oo, kahapon lang ako dito-" Naputol ako sa pagsasalita nang kapwa kaming natigilan sa paglipad ng coconut scrub sa isang tabi dahil sinipa ng karadating lang na si Niall. Ang isang ito talaga kahit kailan napakabugnutin at suplado! Tinawanan ni Chun ang bagong dating. "Huy, Van! Hot tempered ka na naman, bro!" "Wag kang nakikipag-usap sa patpating 'yan!" sagot lang naman ng loko. Ay grabe talaga 'to kung makapatpatin sa akin oh! Oo na, ikaw na matcho! Ikaw na maganda katawan! Ako nang payat at patpatin! "Ano bang problema mo?" cool na patuloy ni Chun. "Mukhang mabait naman si miss beautiful ah!" "Whatever." irap ni Niall saka inagaw bigla sa akin ang hawak kong walis at itinapon iyon palayo. "Do'n ka maglinis sa malayo, 'wag dito!" Natulala ako sa ginawa niya. Grabe ha! "Oh? Ano pang hinihintay mo? Alis na!" nagtaas na naman ng boses! Nagulat ako't nataranta. "Oo, oo aalis na!" dali-dali akong naglakad palayo sa kanina para kunin yung walis. "Tara na. Tara na, Chun!" Napalingon ako nang marinig na pati si Chun pinataasan din niya ng boses. Wala talagang sinasanto ang isang ito! Si Chun nama'y nagkibit-balikat lang at tatawa-tawang sumunod. Nagtataka tuloy ako. Magkaibigan ba sila? Pa'no kaya natatagalan ng cool na si Chun ang bugnuting kagaya ni Niall? "Ang rude mo kay miss beautiful!" narinig ko pang sinabi nito kay Niall. "Tss!" umirap lang ang huli. Nilingon ako ni Chun tapos ay nginitian pa. Napangiti rin ako. Ang gwapo talaga niya! Mukha siyang prince charming! Sinaway naman ito ni Niall saka patamad na inakbayan. "Tsk! Stop flirting with that lousy girl!" Napailing nalang ako saka napabuga. Hay! Kung anong ikinabait ni Chun, 'yon naman ang kinasuplado ni Niall!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD