Chapter Four

1718 Words
It's almost evening nang magising si Trish. She can't remember the last time she had siesta. Humihikab pa siyang lumabas ng kaniyang kuwarto at diretsong tinungo ang kusina dahil sa naamoy na nilulutong pagkain doon. Agad siyang nakadama ng gutom. Pakiramdam pa niya ay ang dali-dali niyang magutom ngayon. Goodbye, diet. And she cried in her mind. Pinaghirapan din niyang i-maintain ang magandang katawan. Pero hindi na niya puwedeng ipilit dahil baka mapaano pa ang baby niya... Ang baby niya. Parang unti-unti ay natatanggap na rin niyang buntis na nga siya at magiging mommy na rin siya soon. Ano rin kaya ang magiging hitsura ng baby niya? Naisip niya si Miguel. "Mom?" tawag niya sa ina nang maabutan itong nagluluto sa kusina niya. Bumaling ito sa kaniya at agad siyang sinalubong ng ngiti. Naroon din ang kaniyang ama at mukhang may seryosong pinag-uusapan ang kaniyang mga magulang bago siya dumating. "You're awake. Are you feeling better now?" bati sa kaniya ng ina na tinanguan naman niya. "Pinagluto kita ng paborito mo, anak." nilapag nito ang niluto sa mesa. Unti-unti namang lumapit doon si Trish at naupo. "Hindi po kayo kakain?" tanong niya nang mapunang mukhang para lang sa kaniya ang nakahain. May tipid na ngiting umiling sa kaniya ang ina. "We already had an early dinner with Miguel's parents." anito. Marahang kinuha ni Trish ang mga kubyertos at nagsimluang galawin ang pagkain sa harap niya. "Sumunod nga rin si Miguel doon. Cynthia called her son. We thought magkasama pa kayo but he told us na hinatid ka na raw nga niya rito sa condo mo. He even said you're tired." her mother looked at her with worry. "Nakapagpa-check up ka na ba sa doktor, anak?" her Mom asked. Umiling siya. Iyon ang payo sa kaniya ng doktor noong na ospital siya, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabalik. "Hindi pa, po..." Nagbuntong-hininga ang kaniyang ina. "We should have you and your baby checked, anak." Tumango lang si Trish sa ina. "Miguel's parents seem to be good people." pag-iiba nito. Nakita ni Trish ang pagtango ng kaniyang ama bilang pagsang-ayon sa sinabi ng mom niya. Her mother smiled gently. "Hindi mo man lang pinakilala sa amin ng Daddy mo ang boyfriend mo, Trish." anito na kinabigla rin niya. Boyfriend? Sinong boyfriend? Natigilan si Trish sa pagkain at napainom ng tubig. Inisip niyang iyon ba ang sinabi ni Miguel sa mga parents nila? Or maybe nag-assume lang ang mga ito? She didn't know. Hindi rin naman kasi niya nilinaw sa mga magulang niya ang lahat. Basta ay nasabi nalang niya ang pangalan ng lalaki nang magtanong ang Daddy niya kung sino ang nakabuntis sa kaniya. And since Miguel Irizari is quite known in the world of business, kaya agad nakilala ng kaniyang ama ang lalaki. Isa pa, hindi rin naman siya mahilig magpakilala ng mga nagiging boyfriend niya noon sa parents niya. She just did not felt the need to introduce those boys to her parents. "I can say that he's a good man, Patricia." biglang nagsalita ang kaniyang ama na kinaangat niya ng tingin dito. Agad din namang tumango ang kaniyang ina sa pagsang-ayon. Ngumiti pa ito. "I know he'll be a good father to your child, and a husband to you." Hindi nakapagsalita si Trish. She can't deny or agree to that. Ang hindi alam ng kaniyang mga magulang ay hindi naman talaga niya kilala ang lalaki. And what happened was just a one night stand. Pero parang ayaw na rin niyang magsalita tungkol doon. Pakiramdam niya ay may kasalanan pa rin siya sa parents niya sa nangyari. "Cynthia and Lito offered to have a formal dinner with us. Iyong naroon ka para mapag-usapan na rin ang kasal-" Halos masamid si Trish sa sinasabi ng ama na natigilan din sa reaksiyon niya. "K-Kasal?" Tumango ang kaniyang ama. "Ayaw mo naman sigurong maglakad sa simbahan na malaki na ang tiyan mo?" anang dad niya. Trish sighed slowly. Nakakaloka bigla ang mga nangyayari sa buhay niya. Seryoso pa ang daddy niya. Her parents stayed with her in her condo. Ang gusto sana talaga ng mga ito ay umuwi na muna siya sa kanilang mansion. Ngunit may kalayuan 'yon sa city at may tinatapos pa siyang ilang trabaho bago tuluyang magpaalam na muna sa pagmomodelo. Ayaw din sana ng kaniyang ama na nagtatrabaho pa rin siya gayong buntis siya, but she insist and assured them na tatapusin niya lang ang mga natitirang trabaho at magpapahinga na rin muna. Para sa kapakanan ng baby niya. Napahawak si Trish sa kaniyang tiyan at dinama ang baby niya. May appointment na rin pala siya sa doctor. Si Miguel pa nga ang nagpaalala noon sa kaniya. And Trish can appreciate the man's effort for their baby. Natuwa naman siya sa pag-aasikaso nito sa kanila. Responsable rin pala ang lalaki. Hindi na rin masama na ito ang naging daddy ng baby nila... Naghanda na si Trish at naghintay nalang na sunduin siya ni Miguel. Masaya naman ang parents niya nang makitang sinundo siya ng lalaki at pupunta sila sa doktor. "You are almost five weeks pregnant, hija..." nakangiting baling sa kanila ng doctora. Nakahiga si Trish sa clinic bed while Miguel stood just beside her. Halatang hindi gaanong naiintindihan ng lalaki ang mga sinasabi ng doctora but she can see that he was attentive. Lalo na sa mga bilin ng doktor. Sa mga bawal sa kaniya at kailangan niya. They left the private clinic at inaya pa siya ni Miguel na kumain sa labas. Hindi naman siya tumanggi. And maybe it was also the time that they can finally talk about this... Ngayon pa lang din uli sila nagkita ng lalaki pagkatapos noong nag-lunch sila sa labas nang araw din na iyon na sumugod ang dad niya sa company building ng mga Irizari. And every time she remembers that Trish still feels sorry for what her father did. Kasalanan din talaga niya iyong nangyari. They were silent the first few moments. Trish was sipping on her fresh orange juice, when Miguel spoke. "Don't get me wrong, but," Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at hinintay ang sasabihin nito. Mukhang hindi rin ito sigurado sa sasabihin. "Are you... Are you sure that it's... mine?" Maagap din naman itong humingi ng paumanhin matapos magtanong sa kaniya nang ganoon. Umiling ito. "Don't mind what I just said," Tinikom ni Trish ang bibig. Hindi niya alam kung maiinsulto ba siya. But then, hindi naman niya masisi ang lalaki kung may pagdududa man ito. Maybe he's thinking that he wasn't her first. She wasn't anymore a virgin when he had her. Isa pa ay isang beses pa lang naman may nangyari sa kanila. Kaya normal lang siguro na maisip nito na baka hindi nga siya ang ama ng dinadala niya... However, Trish can't ignore the hurt she felt. Naisip din niyang siguro ay dahil na rin sa pagbubuntis kay nagiging sensitive siya. She felt hurt especially for her baby. She never thought before na dadating ang araw na ito na pagdududahan ng ama nito ang anak niya hindi pa man ito pinapanganak. Siguro nga ay natutunan na rin niyang mas mahalin ang anak hindi pa man niya ito pinapanganak. She managed to let out a small smile for the man in front of her. "Matagal na since my break up with my last ex. And I'm not having an active s*x life, Mr. Irizari. So to answer your question, yes. This is yours." mahinahon niyang sinabi sa lalaki. Kilala ni Trish ang sarili. At alam din niya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. Miguel was guilty. Kung bakit pa siya nagtanong ng ganoon. Pero hindi rin kasi niya maiwasan... Biglang magiging ama na pala siya. Pero alam din naman niya ang nagawa at part niya sa nangyari. "I-I'm sorry..." Umiling si Trish. "It's okay..." then she forced a smile again. "Shall we go?" inaya na niya itong umalis na sila. Tumango si Miguel at tumayo na rin sila para makaalis. Pumasok si Trish sa sasakyan matapos siyang pagbuksan ng pinto ni Miguel. Umikot din ito agad at pumasok sa driver seat. At nagsimulang magmaneho after making sure na nakapagsuot na rin siya ng seatbelt niya. "Siya nga pala," Muling nagsalita si Trish nang nasa loob na sila ng sasakyan ni Miguel. Mula sa pagmamaneho ay sumulyap sa kaniya ang lalaki. Marahang nagpakawala ng buntong-hininga si Trish. "Did you really agree on... marrying me?" she asked him. Saktong huminto ang sasakyan nang mag-red light. Bumaling sa kaniya si Miguel. Saglit silang nagkatinginan bago ito tumango at nagsalita. "I'm sorry. You don't know my Mom. She's spoiled. Hindi niya ako titigilan especially now that you're pregnant already." Huminga si Miguel. "I'm at fault, too. Naging pabaya ako at hindi nag-ingat. Now I have to take the responsibility. Even Dad would disown me kapag hindi ako umakto ng tama sa nangyaring ito." he added. Hindi umimik si Trish. Kita niyang problemado ang lalaki habang nagkukuwento. And then she sighed. I guess, we're just both problematic now. And she knew that Miguel's right too. They should take the responsibility... Handa na rin ba talaga siya para rito? Nakaramdam siya ng takot habang iniisip ang mga mangyayari pa. At hindi lang din ang mga sarili nila ang kanilang iisipin dahil may isa pang buhay ang madadamay sa mga desisiyon nila. Trish mindlessly held on her still almost flat stomach. Napatingin din si Miguel doon. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at muling nagtagpo ang mga mata nila. Binalingan nito ang steering wheel at bumalik sa pagmamaneho nang mag-green light na. Bumaling na rin si Trish sa harap. "Anyways," Binalik ni Trish ang tingin kay Migs nang muli itong magsalita . Nakatuon lang ang tingin nito sa daan. "We can file for an annulment. And we can just tell our parents that at least we tried but didn't work. Puwede pa rin naman tayong maging parents sa baby kahit hindi mag-asawa." anito na nanatili ang mga mata sa daan. "For the meantime maybe we can give our parents what they want... For now." Hindi naman nakaimik si Trish at ilang sandaling nanatili ang tingin niya kay Miguel bago iyon binalik sa harap nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD