Chapter One

1385 Words
"Louie!" mabibilis ang mga hakbang ni Trish palapit sa kinatatayuan ng kaibigan. Nagtaas lang ito ng mga kilay at hinintay siyang tuluyang makalapit. The man is in his three-piece suit. Kitang kagagaling lang sa isang importanteng meeting na may kinalaman sa company nito. He also look stressed. But she doesn't care. Naghahanap siya ng masisisi sa nangyari at ang lalaki ang pinakamalapit na puwede niyang sisihin. "You put something in my drink last night!" she accused. Bahagya pang kumunot ang noo ni Louie bago umangat ang labi para sa isang ngisi. Lalo lamang siyang nairita. Tumalim ang mga mata niya sa lalaki at tinulak ito sa dibdib. He caught her hands and started laughing. "Ugh!" marahas na binawi ni Trish ang mga kamay sa hawak ng tumatawang lalaki. Kalaunan ay umiling ito at kinalma ang sarili. "Come on!" he shrugged. "I was just helping-" "Help?!" her eyes widened. Bahagyang nangunot muli ang noo ng lalaki. "Yeah," tugon nito, shrugging his shoulders again. "I just thought of you giving that Engineer Singson an unforgettable night. And I think some drug could make you more wild in bed-" "Fuck you!" she can't help it. Tinaas ng lalaki ang dalawang kamay na para bang sumusuko ito sa mga pulis. "Chill, babe." anito. "Chill?!" dinig na yata sa buong floor ang boses niya. "Because of what you did I was feeling dizzy last night at ibang hotel room ang napasukan ko!" Halos mag-breakdown siya sa harap ni Louie at naalala na naman ang nangyari. Just this morning, mabilisan niyang nilisan ang hotel suite ng stranger na iyon. She remembered picking up her clothes one by one which was scattered on the floor. And the stranger just shamelessly watched her habang nagmamadali siyang nagbihis sa harap nito. He was still in bed at relaxed lang na nakasandal sa headboard with arms crossed. He actually looked damn hot while watching her get dressed. Nawalan na rin si Trish ng pakialam kung tinitingnan man siya ng lalaki habang nagbibihis. The man already saw her naked, anyway. He already saw it all. Pagkatapos ay walang sali-salitang mabilis na umalis na siya roon. Iniwan ang lalaking hindi din naman siya pinigilan. Later on she found herself in a nearby cafe sipping her favorite frappe. Dito siya dinala ni Louie galing sa company building nito, bilang peace offering na rin. Ngunit hindi niya pa rin napigilang paminsang irapan ang lalaki. Louie sighed. "Come on, Trish. It wasn't your first time to sleep with a stranger, anyway..." humina ang boses nito sa mga huling salita dahil bumalik ang matalim niyang tingin dito. "I'm sorry." agap nito. Inirapan niya lang itong muli for the nth time and continued sipping her drink. Kahit papa'no ay pinapagaan ng simpleng inumin ang kalooban niya. It's true, though. Her first was with a stranger too. Ang naalala lang niya nang gabing 'yon ay nasa isang party siya at sobrang nalasing. Hindi na nga niya maalalang talaga ang nangyari. Basta nagising nalang siya kinabukasan na hubad sa kama. Nang bumaling siya sa katabi ay likod lang nito ang nakita niya dahil nakaharap ito at nakasubsob ang mukha sa unan. Umalis din siya agad at iniwan ito ng walang paalam. But that's not the point now! Binalik niya ang matalim na tingin sa kaharap. Ngumuso lang naman ito at halos magpaawa o magpa-cute sa kaniya. "That's not the point, Louie. The point is naging palpak ang plano ko!" she hissed. Louie sighed again. "What do you want me to do, then?" he's pouting like a child now. Saglit na nag-isip si Trish ngunit umiling din at nagbuntong hininga. "Nothing," she sighed. Siguro nga ay talagang hindi para sa kaniya si Greg. Kaya rin siguro hindi siya tinutulungan ni Kupido ay dahil tadhana na rin ang humahadlang talaga. Mahirap tanggapin, but maybe she has to accept it now and just let it go... "Uuwi na ako." aniya at tumayo. Sumunod din na tumayo si Louie. "Thanks for the treat." ngumisi si Trish sa kaibigan, tinutukoy ang kaninang iniinom na frappe at slice ng cake. Louie just shrugged at sabay na silang lumabas ng coffee shop. "Kamusta nga pala kayo no'ng ex mo?" baling niya sa kaibigan habang naglalakad sila palapit sa kani-kaniyang mga sasakyan. She grinned at him. "Who?" kunwari pa nito. Trish rolled her eyes. "Alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Napangisi nalang din si Louie at napailing. "Gano'n pa rin." he said, shrugging. Umangat ang isang kilay niya sa kaibigan at huminto sa harap ng mga sasakyan nila. Louie might be an ass but she knows her closest guy friend is in love with that girl. Mula noon, hanggang ngayon. "Ang hina mo naman kasi!" she joked. Sandali rin naging sila noon pero masasabi ni Trish na wala namang naging kung anong espesyal sa kanila. Ewan ba niya kung ano'ng pumasok sa mga utak nila at naisipang maging mag-boyfriend at girlfriend. Well, gusto lang din pagselosin noon ni Louie ang ex-girlfriend nitong si Ayanna. "Wow! Look who's talking." sarcastic na ani Louie. Natawa lang siya sa lalaki. Alam niyang tinutukoy nito ang kapalpakan din niya kay Greg. Nagpaalam na sila sa isa't isa at pumasok sa kanilang mga kotse. Nag-drive si Trish pauwi sa bahay ng mga magulang niya. She miss home. The guard opened the gates to let her car in. Sinalubong si Trish ng isang kasambahay. "Si Mommy, Manang?" "Nasa kusina at naghahanda ng hapunan si Madam." sagot sa kaniya ng matagal na nilang kasambahay. Tumango si Trish at tinungo ang kinaroroonan ng ina para surpresahin ito sa pag-uwi niya. She's not living with her parents anymore. She own a condo in the city na bigay rin sa kaniya ng mga magulang. Mahihirapan kasi siya sa trabaho niya na isang fashion model kung uuwi pa siya rito sa kanila at medyo malayo ito sa metro. Kaya alam niyang matutuwa ang kaniyang ina na umuwi siya ngayon. "Hi, Mommy!" bati niya sa ina na naabutang nakaharap at abala sa niluluto nito. Agad natigilan ang kaniyang ina at mabilis na humarap sa kaniya. Sinalubong niya ito ng isang malapad na ngiti. Her mother smiled and opened its arms for her, welcoming her for a hug. Maagap siyang lumapit sa ina and let herself feel the warmth of her embrace. "Mabuti naman at naisipan mong umuwi ngayon, Patricia." anang kaniyang ina na marahang hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. "I missed you and Dad." aniyang nagpapalambing. Ilang sandali pa ay narinig nilang pumasok sa kusina ang kaniyang ama. Nasabihan na siguro ng kasambahay. Kagaya ng kaniyang ina ay binalot din siya ng yakap ng kaniyang ama. Masuwerte si Trish sa kaniyang mga magulang. She knows and she can feel that they both love her so much. Na lahat ng gusto niya mula pagkabata ay binigay sa kaniya ng parents niya. She won't deny that she's spoiled. Parehong galing sa may kayang pamilya ang mga magulang niya. At ang kaniyang ama ay isang kilalang businessman. Nag-iisang anak lang din siya. Kaya siguro hindi siya sanay na hindi nakukuha ang gusto niya. "Don't you think it's time for you to stop with your modeling?" her Dad is at it again. She actually graduated from a business course dahil pinagbigyan nalang niya ang kagustuhan ng ama. Ngunit simula college, at kahit noong high school pa man ay nag-m-modeling na talaga siya. She likes doing modeling. At dahil mahal na mahal siya ng kaniyang mga magulang ay hinahayaan at sinusuportahan nalang din siya ng mga ito. "Dad," bumaling si Trish sa ina. Nagkatinginan silang mag-ina. Her Dad shook its head. "I'm sorry, Patricia." her old man sighed. "Alam mo naman, your father is getting old. Minsan ay nahihirapan na rin ako sa pamamahala ng business natin." amin nito. Inabot ng kaniyang ina ang kamay ng kaniyang ama na nakapatong sa dining table at marahan itong pinisil. She smiled. Her parents is her favorite couple ever since. She silently sighed at pinagpatuloy ang pagkain. Ito ang mahirap sa pagiging only child. Walang ibang magmamana ng family business kung 'di siya. "Alam kong wala kang interes sa negosyo, anak. Kaya hihilingin ko nalang sa 'yo to find a man na magiging asawa mo at sana'y may kakayahang pamahalaan ang family business natin." her father added.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD