Bumaba ang tingin ni Engineer Gregory Singson sa kaniyang tiyan. Umawang ang labi ng lalaki sa nakikitang umbok doon. Halos hindi pa makapaniwala ang mukha nitong nag-angat muli ng tingin sa kaniya. Kinalma naman ni Trish ang sarili. It's just Greg, her old crush. "H-Hi." awkward niyang bati sa lalaki. Greg composed himself and managed to give her a small smile. "How are you..." anito sa mahinang boses ngunit sapat para marinig ni Trish. Bahagya pang nagulat si Trish sa pangangamusta ng lalaki. Ang naalala niya ay hindi naman talaga sila nag-uusap ni Greg noon. Oo at kilala naman siguro siya ng Engineer dahil naipakilala nga sila noon. Ngunit hanggang doon lang 'yon. They never really talked. Or he never talked to her. Sa imagination niya siguro noon, oo. Ito pa lang nga yata ang unan