Hunter | 2 months ago NAGISING AKO AT kinapa si Nicole sa tabi ko. Napabalikwas ako at tiningnan ang buong kuwarto. Ang mga damit ko ay maayos na nakasampay. Bigla akong kinabahan. She was nowhere in sight. Her luggage and her purse were both gone. She was probably flying back home today. F*ck! Sinabi ko na sa kaniyang mag-uusap kami ngayong umaga ay iniwan pa rin niya ako. Dali-dali akong nagbihis, wala nang suklay-suklay at bumaba sa lobby. Tumigil ako sa reception at tinanong ang manager on duty. Sa sobrang antok ko ay hindi ko mabasa ang pangalan. Inaninag ko pa—Clarence. “Good morning, Sir, how may I help you?” “Good morning, did my girlfriend from 1611 checked out already?” “For awhile sir, let me check.” Pagkatapos i-check ay binalikan ako. “Yes, sir. She checked out at 3:30

