Hunter MAYA-MAYA AY INILABAS ang rubberized tubing na nilagyan ng malapot na clear liquid saka ipinasok sa asawa ko. Saglit lang at lumabas ang ihi na kailangan niya papuntang maliit na sterilized na bote. Hinugot din agad ni Luna ang tube at itinabi. Inayos ang suot ng asawa ko at iniligpit ang mga ginamit niya. “I’m just going to wash my hands then I’ll call you. I will ask you to watch what I’m going to do with the test.” Tinawag niya rin agad ako. Pumasok ako sa banyo at nakalatag ang tatlong puting rectangle. Pinatak niya dun isa isa ang urine sample. Lahat ay tigdalawang linya. Dinispose niya ang tirang urine sample sa toilet at nagflush pagkatapos ay itinapon ang container sa trash bin. “Do you know what that means?” tanong ni Luna sa akin. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. S

