Sa Coron ang una naming destinasyon ni Vulcan para sa araw na 'to. Nag-Scuba diving kami sa Twin Lagoon, snorkeling the lake kami sa Hidden Lagoon, at nag-banana boat sa Pukaway Lagoon. It was a great experience indeed. Lalo na sa akin na mahilig sa mga different bodies of waters. Basta makapag-swimming lang ako, makapag-dive ay tuwang-tuwa na ako. Ito ang hilig ko talaga noon pa man. Kaya hindi ako mabubuhay na walang swimming pool na pagliliguan ko o beach na malapit na pwede kong languyan. "Are you tired, baby ko?" tanong ng asawa ko nang yumakap ako sa kanyang katawan at ipinahinga ang pagal kong katawan. Kakaahon lang namin sa tubig at pakiramdam ko bitin pa rin ako sa pagsidsid. I want more pero si Vulcan ay suko na. Palibhasa oldies na kasi, hahahaha. Mabilis ng mapagod at kapusi