Pitong buwan na ang tiyan ko ngayon. Medyo kita na ang umbok hindi kagaya noong mga nakaraang buwan na wala ka talagang makikita kung hindi mo kakapain. Tama nga ang sinabi ni Doktora kapag pagtapak ko ng seven months ay biglang laki ang tiyan ko. Kaya naman tuwang-tuwa kami ni Vulcan lalo na at panay ang galaw ng baby. Galing kami ni Vulcan sa ospital nina Doc Justin at nagpa-check up ako sa aking OB-GYN para sa monthly check up ko. At saka para malaman na rin naming mag-asawa kung ayos lang ba ang baby sa loob ng tiyan ko nitong mga nakaraang araw. Panay stress ang naranasan ko nang nakaraang linggo dahil sa nangyari kay Papa. Mabuti na lang at ayos lang naman daw ang baby. Healthy naman siya at active. Kaya pala panay ang alon ng tiyan ko sa kakagalaw at kakasipa niya. Malapit na raw