Gaya ng inaasahan ko, bumabaha ang mga pagkain sa lamesa at umaapaw ang mga inumin. Hindi ko alam kung ilang lechon ang in-order nila dahil parang bawat lamesa ay may lechon na nakalagay sa gitna. Masarap daw ang lechon na in-oder pa sa La Piñas kaya naman hindi mapigilan ng mga bisita na matakam. Mahilig sa lechon ang mga kaibigan ni Vulcan kaya kapag may handaan ay dapat laging present ito. Pero siyempre hinay-hinay lang sila sa pagtikim dapat lalo na at puro na sila oldies. Mamaya eh may sakit na pala sila sa puso lalo na at cholesterol ang matatamo mo sa pagkain ng lechon. Sanay akong pumunta sa mga bonggang handaan na dinadaluhan ng mga magulang ko. Sosyal na mga pagtitipon na madalas ay bumabaha ang mga handa. Ngayong araw ng kasal ko, tingin ko ito ang pinakabonggang handaan na na