Chapter 9

1855 Words
It's surprising. It's surprising that nothing happened to me all throughout the day. Tapos na ang klase at kasalukuyang palabas na kami ni Mady ng school. Natawagan ko na rin si Kuyang Driver na tapos na ang klase ko. "Lesley, paano ka pala uuwi?" Tumingin ako kay Mady na ngayon ay nagbubukas ng lollipop na binili niya kaninang lunch. "May sundo ako," sagot ko. Umismid siya at ngumiti sa'kin ng nakakaloko. "Ikaw ha, pasundo-sundo ka na lang." Tukso niya. "Pero teka," lumapit siya sa'kin waring bubulong kaya nilapit ko ang tenga ko sa kaniya. "Alam ni Lorraine na si Vallen ang mapapangasawa mo, hindi ba?" she asked carefully. Nasabi ko sa kaniyang hindi pa public ang marriage thingy namin ni Vallen and I do not want to make it public. "Yeah," sagot ko. Kumunot ang kaniyang noo. Mukhang ampalaya ang noo niya sa pagkakunot nito. "Then why is she still acting like that? She's not afraid of Vallen?" she asked. It's because she's Lorraine. She's maybe afraid of Vallen but in the end, everyone's gonna pity her once she shed tears. Kaya siguro, kahit alam niyang isang Vallen Alejo ang mapapangasawa ko, she knows it herself na makakaalis at makakaalis siya sa gagawin niya as long as umarte siya at paniwalaan siya ni Vallen. Laging gano'n naman ang nangyayari. She always plays the victim. I wonder when that happens, who will Vallen choose to believe. Maybe.. it's Lorraine. "Hindi ko rin alam eh," saad ko. "Matigas talaga ang mukha ng half-evil-sister mong iyon," aniya. Half-evil-sister? Napatawa ako kasi parehas sila ng sinabi ni Ivan. "What's funny? Are you laughing at me?" tanong niya. Hindi pa nga niya alam ang dahilan kung bakit ako natawa, nausok na agad ang ilong niya. "Nah, I just heard that name you called her from someone else." "Eh bagay naman sa kaniya 'yun. Bagay na bagay!" Suminghal siya. Nasa labas na kami ng school. But it's really surprising. Something is suspicious. Lorraine's not making a move? That's impossible. I think I need to prepare myself once I get home— Napatigil ako. Hindi na nga pala ako sa Lambrente nakatira. At doon ako napangiti. Tama, sa Alejo Mansion na ako nakatira ngayon. I do not need to be afraid of Mom or Dad, who only knows how to scold me. Biglang tumunog ang cellphone ko. Si Kuyang Driver ang natawag. Kaagad ko itong sinagot. "Yes po?" "Ah, Young Lady, malapit na po ako," aniya. "Sige po. Nasa labas na po ako." Tumingin ako sa mga sasakyan at nag-abang. "Okay po," aniya at pinatay ang tawag. "Oh? Nandyan na sundo mo?" tanong ni Mady. Tumango ako. "Oo, eh ikaw?" "Of course! Ako pa ba? Malapit na raw si Kuya." Kung hindi n'yo naitatanong, Mady also came from a well-off family. She's working at the bar, they owned it though it was sort of a training for her, and siya rin ang nagpasok sa'kin dun nu'ng kailangan ko ng pera. May tumigil bigla sa aming tapat. Ah, si Kuyang Driver na ito. "Una ako sa'yo, Mady." Ngumiti ako sa kaniya. "Sige, ingat ka ah." Lumapit siya sakin para bumeso at yumakap na ginantihan ko naman. "Ikaw din," sabi ko. Sumakay na ako ng kotse. Kumaway pa ako sa kaniya bago sinara ang bintana. "Young Lady, nagugutom po ba kayo?" Tanong niya sa akin. "Hindi po." Nakangiti kong sagot. "Kayo po? Baka po nagugutom kayo?" Kasi baka nagugutom siya or what, pwede naman kaming tumigil saglit para kumain. "Hindi, okay po ako. Kayo po ang inaalala ko. Bilin po kasi ni Sir Ivan na kung sakaling magutom daw po kayo, magsabi lang kayo sa'kin," sabi niya. Tumango-tango na lamang ako. Ivan is maybe in his mid 40s? I do not know if he has a family of his own or a daughter or son. But he's warm smile keeps me warm as well, like how my Dad smiled at me back then. Ito na naman. Naalala ko na naman ang nakaraan. Dapat ko na bang ibaon sa limot? But how? It was so precious that I want to treasure it. But it's also so painful when I'm looking back at it. It's like a double-edged knife. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa tanawin sa labas. I told myself hundred times already that I will no longer ask for their love and affection. It was me who was chasing for them all the time... and I got tired. They said that once you're tired, just rest. But sometimes, if you're tired, and hopeless, you just have to stop it most especially if it hurts so much. Kasi may mga bagay na kailangan nang tigilan o wakasan para hindi na mahirapan. At ayoko nang mahirapan, I don't want to feel unworthy and unwanted anymore. So I stopped. It's funny that even if I stopped, they seem not to care. Mapait akong napangiti. Wala na lang talaga ako sa pamilya ko. Haha. That's sad. Naging tahimik ang aming byahe. Wala naman kaming pagkukwentuhan and I am not talkative in the first place. Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa Alejo Mansion. But something is still bothering me. There's no way Lesley will let what happened in the morning slide. Tumigil ang kotse. Mabilis na bumaba si Kuyang Driver at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako. Pagkapasok ko ng mansion, agad akong sinalubong ni Ivan. Yumukod ito at bumati. "Welcome home, Lady Lesley," aniya. Tumunghay din siya pagkatapos. Ngumiti siya sa akin. "Young Master Garrett is waiting for you in his study room." Kumabog ang aking dibdib. Vallen is looking for me? Why? May kutob akong may kinalaman si Lorraine kung bakit niya ako hinahanap. Natatakot ako. Anong ginawa ni Lorraine? Sinamahan niya ako sa study room ni Vallen. Nang makarating kami, he told me to knock and let Vallen know that it was me. "It is me, Lesley," sabi ko. "Come in," he said. Napalunok ako, namumuo ang mga butil ng pawis sa aking noo. I feel like I will be eaten alive once I entered this lion's den. Hinintay ni Ivan na makapasok ako bago siya umalis. Binigyan niya muna ako ng ngiti bago ako tuluyang makapasok. It's a smile that's telling me it's gonna be alright. But even so, I feel like I'm crying already. Lesley. Stop. I snapped. Baka naman pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal? At walang kinalaman dito si Lorraine? Am I overthinking things? Tama. Hindi muna ako dapat mag-assume hanggang hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit ako nandito. "Lesley." My heart almost jump out of my chest when he suddenly called my name. I'm dang nervous. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. I'm still afraid of him at hindi iyon mawawala ng ilang araw lang. "Come over here," aniya. My body's trembling but I didn't let it show. Lumapit ako sa kaniya. He was in his table with a lot of documents scattered around. Tinigil niya ang pagtingin sa mga documents na hawak niya at tumingin sa akin. Bumibilis ang kabog ng aking dibdib sa kaba. Mas dumagdag ang kaba sa aking dibdib nang tiinitigan niya ako ng taimtim. I'm feeling uncomfortable. Humigpit ang kapit ko sa strap ng aking bag. Hindi nagtagal ay inalis niya ang tingin sa akin at may kinuhang envelope sa isa sa mga drawer ng table niya. "Someone mailed it to me." Iyan lamang ang kaniyang sinabi at iniabot sa akin ang envelope. My hands are trembling when I get the envelope from him. What's inside this envelope? Binuksan ko ito. Nagulat ako sa aking nakita. Pero kalaunan ay nawala ang aking pagkasurpresa. Ah, Lorraine really did something, huh? It was a picture of me and different guys I have encountered with when I was still working at Mady's bar. I want to laugh. So I am right all along. Talagang may gagawin siya. "Lesley," tawag sa'kin ni Vallen. I smiled sadly and looked at him. If he's going to believe what he saw in the pictures, so be it. Sanay naman akong hindi paniwalaan. Ayoko na ring magpaliwanag kasi mapupunta lang din sa wala. In the end, hindi rin naman niya ako paniniwalaan, 'di ba? Just like everyone else. "Believe anything you want to believe." Iyan na lamang ang sinabi ko. No more explanation because I am so sick of it already. Nilagay ko ang envelope sa ibabaw ng lamesa niya. "I'm sorry, but can I go now? I'm not feeling well," I excused. "Lesley," tawag niya sa'kin. I smiled. "Yes?" "I will listen." Napatigil ako sa sinabi niya. Does he want me to tell him the truth? To explain? What for? Napatawa ako. "Thanks, but no. I'm tired." Ngumiti ako sa kaniya. I really am tired... of everything. "Lesley." Muling tawag niya sa akin. "What?" I asked. Hindi agad siya nagsalita. Nakatitig lamang sa akin pagkatapos ay bumuntong-hininga. "You may go," aniya. I bit my lower lip. "Thanks." I immediately turn my back at him. My tears are going to fall so I bit my lower lip even harder. At bakit naman ako naiiyak? Dali-dali akong lumabas ng study room. I thought Ivan had left already but he's still waiting outside the room. "Lady Lesley..." he approached me. As much as possible, I held back my tears. Ngumiti ako sa kaniya. "I'm still not familiar with this mansion. So can you lead me to my room?" sabi ko sa kaniya. He has the expression in his face that he wants to know what happened. Pero hindi siya nagtanong o kung ano pa man. Yumukod siya ng bahagya. "Yes, Lady Lesley," Ivan said and lead the way for me. Gusto ko nang makarating sa kwarto ko at humiga. I'm tired. Malungkot akong napangiti. “Lesley, you are pitiful. No one's believing in you beside Mady. What a pity.” I said to myself. "Ah, Ivan," tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. "Yes, Lady Lesley?" he asked. "Can I change my room? Even just for today?" I asked. Ang kapal ng mukha ko, oo. Pero ayoko munang may makaistorbo sa akin ngayong araw. Tumahimik siya saglit pero kalaunan ay nagsalita rin. "Of course. I'll make preparations right away. Please wait in your room for a while." Tumango ako sa kaniyang sinabi. "Thank you," sabi ko. Hinatid niya ako sa room namin ni Vallen tapos umalis din siya para ayusin ang room na lilipatan ko. Humiga ako sa kama. I feel sleepy all of a sudden. Bumalik sa aking alaala ang nangyari kanina lamang. Lorraine's doing everything she can to just ruin me. I didn't expect that she'll resort to this. She sure is gutsy. ... He said he will listen.. but will he also believe? I smiled bitterly. Of course, he will not. Hindi nga ako paniwalaan ng sarili kong magulang eh, siya pa kaya? Argh, ayoko na isipin. All I know is I'm tired. Saka ko na iisipin kapag nakapagpahinga na ako. I close my eyes to rest for a while while waiting for Ivan to call for me here. Pero hindi ko na rin namalayang nakatulog na ako at hindi na alam ang mga sunod na nangyari. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD