bc

The Badboy's Obsession (Filipino)

book_age16+
21.7K
FOLLOW
153.1K
READ
possessive
rape
forced
manipulative
badboy
mafia
drama
comedy
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

"Once in a lifetime we meet someone who changes everything.. And I met this badboy named, Sven Axl Montemayor to give me the hell." -Isabella

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue: Isabella Takot na takot akong nagtago sa isang cabinet na sasakto sa katawan ko. Kahit mainit at medyo masikip ay tiniis ko huwag lang akong makuha ulit ng hudas na si Sven. Pinagpapawisan na ako ng malamig nang marinig ko ang mabibigat nyang yabag. Napapikit na lang ako sa takot at napausal ng taimtim na sana ay hindi nya ako makita dito sa pinagtataguan ko. "You can't escape from me baby. I swear, malilintikan ka saken oras na mahanap kita." Minulat ko ang mga mata ko at sumilip sa maliit na butas sa pintuan ng cabinet. Nanlaki ang mata ko ng makita si Sven na nakatayo sa pintuan ng kwartong ito at nagpapalinga-linga. May hawak itong baril na nakapagpadagdag sa takot kong nararamdaman. Pigil ang hininga ko nang tumingin sya dito sa cabinet na pinaglalagyan ko. Ipinikit ko ng mabuti ang mga mata ko dahil baka maaninaw nya pa ang mata kong nakasilip. Namamawis na ang mga palad ko sa sobrang higpit ng hawak ko. Nadagdagan pa lalo ang takot ko ng marinig kong nagsimula syang humakbang ulit. "Wag dito please.. Lord tulungan po ninyo ako." Paulit-ulit kong sambit sa isipan ko. "Boss wala po sa kahit saang sulok ng mansyon si Miss Isabella. Pero nakuhanan sya sa CCTV na sumakay sa isa sa mga sasakyan ninyo." Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. At nabawasan ang takot ko nang marinig ko ang mga yabag nila na palabas na ng pintuan. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga nang makalayo sila. Pinapahiran ko rin gamit ang manggas ng damit kong suot ang namamawis kong noo. Pati ang gilid ng labi kong hanggang ngayon ay may dugo dahil sa malakas na sampal sakin ni Sven. Naghintay pa ko ng limang minuto, at nang masiguro kong wala na talaga sila ay dahan-dahan akong lumabas sa cabinet. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakalanghap na ako ng hangin ng mas maayos. Inaayos ko ang suot kong paldang mahaba at nang iangat ko ang paningin ko ay ganun nalang ang paninigas ko dahil si Sven.. ay nakaupo sa paanan ng kama habang nililinisan ang kanyang baril na hawak. Ngumisi ito bago tumingin sakin ng matalim. "I told you baby.." Malamig nyang sambit bago tumayo sa kinauupuan at nagsimulang humakbang patungo sakin. "Once in a lifetime we meet someone who changes everything.. And I met this badboy named, Sven Axl Montemayor to give me the hell."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.7K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.7K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook