HARPER EVANS
"Hija wake up, you've got to get dressed, You're going to be late for school" rinig kong boses nang matanda na marahang tinatapik ang balikat ko umungol lang ako kinuha ang kumot at inayos ang pagkakahiga ayoko pang bumangon wala ako sa mood ang gusto ko lang matulog. Bakit kasi nauso pa ang school? hindi kasi ako morning person kaya naman tamad na tamad akong pumasok tuwing umaga napipilitan lang ako dahil magagalit ang parents ko.
"Hmm, five minutes na lang Manang" inaantok na sagot ko sa mayordoma namin na walang balak na umalis sa kwarto ko hanggat hindi pa ako bumabangon. Nag movie marathon kasi kami ng pinsan kong si Nathalie at sobrang sakit ng braso ko dahil lagi niyang hinahampas tuwing kinikilig siya sa pinapanood namin.
Narinig ko ang buntong hininga niya na tila nawawalan na ng pasensiya malaki ang respeto ko sa matanda dahil siya ang nagalaga sa akin mula baby pa ako hindi na nga siya nag asawa kaya ang turi namin sa kanya ay parte ng pamilya "Hija, kanina pa yang five minutes mo mag a-alas siyete na mal-late kana sa klase mo" tila bombang sumabog sa ulo ko ang sinabi niya at napalikwas ng kama tinignan ko ang digital clock totoo nga malapit ma mag alas siyete.
"Sa susunod wag kayong magpuyat mag pinsan pag may pasok kayo kinabukasan. Kayo talagang mga kabataan ang hilig magpuyat pero nag r-reklamo pag ginigising ng maaga" naiiling na sambit niya kinuha nito ang mga damit na marurumi "Maligo kana Hija hinihintay kana ng pinsan mo sa baba parehas kayong dalawa mukhang sabog" pagpapatuloy niya gusto ko pang ilapat ang likod ko sa kama nabitin ako sa pag tulog.
Tinatamad na bumangon ako para pumunta ng banyo "shit" lumabas sa bibig ko dahil totoo ang sinabi ni manang mukha nga akong sabog. Paano ba naman kasi dapat isang episode nalang pero pinatapos pa namin hanggang sa finale kaya inabot kami ng madaling araw. Naririnig ko pa ang sermon ni manang non 'Kayo bang magpinsan walang balak matulog? Alas tres na nang madaling araw masama ang magpuyat. Naku! Pag nalaman ng magulang niyo to mapapagalitaj kayong dalawa' sermon niya sa amin nang maabutan niyang nanonood pa din kami sa living room.
"Good morning couz" hinihikab niyang bati sa akin papikit pikit pa ang mga mata nito "Gusto ko pang matulog" aniya habang nakasandal ang likod nito sa upuan. "Kasalanan mo kasi nagyaya kang manood ng Love Alarm pati ako dinamay mo" sagot ko sabay upo sa tapat nito napabuntong hininga naman siya.
"Hindi na talaga ako manonood ng korean drama pag alam kong may pasok kinabukasan tapos Si Manang Nita kahit ayaw kong pumasok ngayon pinipilit ako pag nag matigas ako isusumbong niya ako kay mommy" nakangusong sabi nito naagaw naman ang atensyon namin nang dumating na ang mga katulong na naglagay ng pagkain sa lamesa sinalinan na din ako ng fresh milk sa baso na ikinangiti ko.
"Ngayon siguro magt-tanda na kayong dalawa may puyat pa kayong nalalaman ha" panenermon ni manang habang naglalagay ito nang beef tapa sa plato ko siya kasi ang nagaasikaso at pinagkakatiwalaan ni mommy.
Williams University ang pangalan nang school na pinapasukan ko na pagm-may ari nang magulang ni Nathalie kung nagtataka kayo kung bakit magka iba ang apelyido namin dahil magkapatid ang mommy namin at nakapangasawa si Tita Becca nang isang ubod na mayamang businessman at isa sa pag m-may ari nila itong school na ito na tanging elites lang ang nakakapag aral.
"Ang ganda talaga ni Harper noh? Kaya lang masungit kaya siguro walang nanliligaw sa kanya" napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng babae nilingon ko siya at tinignan ng nakakamatay na tingin namutla naman ito napayuko na lamang siya ganoon din ang mga kasama nito.
"Couz wag mo naman takutin" natatawang sabi ng pinsan ko na natutuwa sa nangyayari "Matuto ka naman kasing ngumiti" napaismid nalang ako natuloy sa paglalakad papuntang classroom hindi ko pinapansin si Nathalie na kanina pa ako kinakausap wala ako sa mood lalo na kulang ang tulog ko sakto naman pagpasok ko ang dating ng guro namin.
"Class, siguro naman naalala niyo ang sinabi ko lastweek tungkol sa camping na mangyayari bukas" sabi nito na nakatingin sa aming estudyante niya napaikot naman ang mata ko at sumama ang timpla ng mukha ko dahil ayoko talagang sumama sa camping na yan — madami akong dahilan Una sa masukal na lugar yun mahina ang Internet o kaya signal Pangalawa hindi ako comfortable dahil maraming insekto KJ na kung KJ pero hindi ko talaga gusto Pangatlo naman mas feel ko humiga sa kama ko kesa sa tent dahil panigurado hindi ako makakatulog ng maayos doon.
"Last week pa kami excited Sir Pepe" sigaw ng lalaki kong classmate na ang lapad ng ngiti nakakabwisit ang mukha niya ang sarap hagisan ng harina magsama nga sila nitong guro kong mukhang bakulaw. Napatingin naman ako sa bandang kanan ko dahil siniko niya ako "Bakit ganyan ang mukha mo Harper? Hindi ka ba masaya na mag c-camping tayo bukas?" tanong niya habang nakatitig sa akin siya nga pala ang bestfriend kong si Lexandra na ubod ng daldal katulad ng pinsan kong si Nathalie kaya nga magkasundo ang dalawang yan kaya nga ng malaman nilang may camping na mangyayari agad silang bumili ng mga gagamitin.
"Ayaw niya kasing sumama mas gusto niyang magmukmok sa kwarto niya at manood o hindi kaya matulog" singit nang pinsan ko sa bandang kaliwa ko pinag g-gitnaan nila akong dalawa napairap naman ako. Masarap kaya yun mahiga kana lan at matulog kaysa mapagod ako.
"Kaya nga walang boyfriend yang si Harper dahil laging nasa mansion at doon nag f-feeling mongha kaya inaamag na mabuti pa mag bar nalang tayo mamayang gabi" suggestion niya habang nakatingin sa guro namin na naguumpisa na magturo ng math hindi makapaniwalang tinignan ko siya seryoso ba siya? Bukas na nang maaga ang camping tapos gusto mag bar? Gusto ba niya maging topic kaming tatlo sa school pag nalaman nilang lasing kami na umattend.
"Hindi ko alam kung nasaan na ba ang utak mo Lexandra kinain na ata nang nilalaro mong plants versus zombie" mariing sambit ko habang nakatingin sa harapan natatakot na mahuli kaming nagd-daldalan dahil panigurado papagalitan kami at palalabasin sa classroom napaka strikto pa naman ng guro namin kaya nga tumandang binata.
"Class dismissed" iyun ang pinaka magandang naririnig ko pag nasa school ako. "Tara na sa cafeteria gutom na ako" yaya ni nathalie na tapos nang ligpitin ang gamit nito lagi kasing gutom ang kaibigan kong ito kaya nga laging may pagkain sa bag niya hindi ko alam kung nakalunok ba ito ng sawa at palagi nalang gutom.
"Oras oras kang kumakain pero hindi ka nabubusog pero ang unfair lang bakit hindi ka tumataba? Samantalang ako konting kain ko lang ang bilis kong tuamaba" sabat naman ng pinsan ko habang nags-suklay ito ng buhok at ang susunod niyan maglalagay siya ng lip gloss routine na niya yun tuwing dismissal ng klase.
"Hindi ko nga alam pero natutuwa ako dahil kahit ang takaw ko consistent pa din ang timbang ko" nakangiting sagot niya "Hindi ba ganoon ka din naman harper? Hindi nga kita nakikitaan ng pagdagdag mo ng timbang o di kaya pagtaba" sabi naman ni Lexandra na nakatingin na sa akin totoo naman ang sinasabi niya hindi ako tumataba kahit anong kain ko.
"Unfair" nakasimangot na sambit ni Nathalie na nakatingin sa aming dalawa natawa naman kami dahil kasi kailangan pang mag diet nitong pinsan ko o kaya calculated ang carbs na kinakain niya natawa naman kami sa mukha niya.
"Couz gising na kailangan natin makarating sa school nag ala singko" boses ni natahalie "Maiiwan tayo ng bus" hindi pa din niya ako tinitigilan hinablot nito ang kumot ko hinila nito ang braso ko para bumangon. "Oo na maliligo na ako" bored kong sabi sa kanya mabuti nalang maaga ako natulog kaya naman hindi masakit ang ulo ko ayoko kasing kulang sa tulog laging wala ako sa mood.
"Excited na ako" sabi ng katabi ko na naglalagay ng gamit sa bus nakahabol naman kami mabuti na lang mabilis magpatakbo ng sasakyan si Nathalie isa kasi siyang racer pinark na lang niya ang sasakyan sa school wala naman problema dahil sila ang may ari napairap naman ako ano bang nakaka excite doon? puro puno lang naman ang makikita at bundok madami pang insekto.
"Tabi tayo Harper" si lexandra pala tinuro naman niya ang bandang bintana doon ko kasi gusto at alam niya ang bagay na yon binilang kami ng guro na naka assigned sa amin bago mag biyahe. Sinulyapan ko naman ang pinsan ko na abala sa paghaharot sa classmate naming babae na tuwang tuwa naman napataas ang kilay ko ng makita ko mabilis hinalikan ni nathalie ang labi ng kalandian nito.
"Bessy selfie tayo" napatingin naman ako kay lexandra na parang bata na tuwang tuwa sa pupuntahan panay ang selfie nito mula pa sa campus pinayagan ko naman ang gusto niya dahil kilala ko na siya hindi yan titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya. Limang oras din bago kami nakarating sa paroroonan namin sila na mismo ang nagtayo ng tent samantalang ako nakaupo lang nakikinig ng music. Bahala sila diyan gaya ng sabi ko wala naman akong hilig sa ganito.
Namimiss ko na ang kama ko
"Ang gwapo talaga ni reynold noh? Sayang lang hindi ko nahingi ang number niya balita ko naghahanap daw siya ng girlfriend" naririnig kong kwentuhan nila naiirita na ako dahil sobrang ingay nila hindi ko kasama si Lexandra dahil naka assign naman siya sa pagluluto samantalang kami sa pangunguha ng tangkay.
"Pwede ba kahit ngayon lang tumahik kayong tatlo. Nakakairita" singhal ko sa kanila namutla naman ang mukha nila at nag sorry agad hindi ko na lang pinansin at lumayo na sa kanila. 'Puro na lang lalaki ang topic' naiinis na bulong ko habang namumulot ng sanga.
Namumulot ako ng sanga nang biglang may narinig ako na boses ng babae at ang ganda sa pandinig yun parang dinuduyan ka "Behave lily" rinig kong sabi niya pinuntahan ko ang pinanggagalingan ng tinig na yun at isang napakagandang babae nilalaro niya ang maliit na hayop sa balikat niya kakaibang hayop yun dahil lumiliwanag.
Robot ba yun? Bakit parang totoo?
Ganon na lang ang pagka gulat ko ng biglang may bumukas na lagusan sa puno 'What the fuck' usal ko sa isip ko naeengkanto na ata ako kitang kita ng dalawang mata ko na pumasok siya sa lagusan dahil sa sobrang curious ko kaya tumakbo ako papunta doon.
May nag s-shooting ba dito sa gubat? Bakit wala namang tao?
Pinasok ko ang kamay ko napanganga ako dahil tumagos ang kamay ko babawiin ko na sana subalit hindi ko magalaw hanggang sa inihop na ako papasok sa loob ng portal.
"AHHHH MOMMMYYYYYY" tili ko dahil paikot ikot ang paningin ko parang nasa kawalan ako at nasusuka ako daig ko pa ang nag roller coaster.
"Oucchhhhh" daing ko ng mahulog ako nabalian ata ako ng buto sa lakas ng pagkakabagsak ko "Pwehh" napadura ako nang sumobsob lang naman ang mukha ko sa lupa "Kadiri" napapangiwing sabi ko at tunayo habang pinagpag ang damit ko na puro na lupa ang lagkit na tuloy ng pakiramdam ko.
Napahinto ako ng may matalim na bagay ang tumutok sa leeg ko kaya napahinto ako at tumingin sa nagmamay ari non. Ganoon na lang ang pagka gulat ko dahil siya yung babae sa gubat yung pumasok sa lagusan napakaganda niya pala lalo sa malapitan pero mas maganda ako.
"Who the fuck are you?" singhal nito na habang tinitignanko ng masama na para bang papatayin niya ako anumang oras hindi ko naman siya pinapansin nakatingin lang ako sa paligid bakit parang may iba? teka nga palasyo ba yung nakikita ko sa bandang malayo? Nasaan ba ako? Kailan pa nagkaroon ng palasyo dito? Nanaginip ba ako? "Naputol na ba ang dila mo? Sagutin mo ang tinatanong ko sayo kung ayaw mong paghiwa hiwain ko ang katawan mo" pagbabanta niya nanlaki ang mga mata ko ng may nilabas siyang espada saan galing yun?
"Hi I'm Harper Evans and you are?" pagpapakilala ko sa babaeng nasa harapan ko na ang sama ng tingin sa akin na para bang isa akong nemesis niya nagtataka naman ako bakit may hawak siyang espada? Totoo ba yun? o laruan lang? Napatitig naman ako sa mukha niya infairness maganda siya akala mo nga ginuhit ng magaling na pintor kung lalaki lang ako tinigasan na ako sa kanya — teka nga nagiging maniac na ako dito.
She looked at me from head to toe "Hindi ka namin kauri isa kang mortal pero pano ka nakapasok dito?" nagtatakang sambit nito "Dahil pag nakapasok ang isang kagaya mo dito nahihirapang huminga hanggang sa nauuwi sa kamatayan" seryoso siya habang sinasabi yun nakaramdam naman ako ng takot nag taasan na nga ang balahibo ko sa katawan.
Sinampal sampal ko naman ang pisngi ko baka isang panaginip lang ito pero nakaramdam ako ng sakit — totoo nga! Hindi ako nanaginip "Anong gingawa mo mortal? Nasisiraan kana ba ng ulo? Bakit sinasaktan mo ang sarili mo" narinig ko mula sa kanya pero hindi ko siya pinapansin naalala ko ang nakita kong lagusan na pinasukan ko.
"Naalala ko na ikaw nga yung nakita ko sa gubat at biglang pumasok sa isang puno na curious lang ako kaya sinundan kita at pumasok sa portal na ginawa mo kaya nandito ako ngayon" paliwanag ko sa kanya nandilim naman ang mukha niya waring hindi nagustuhan ang narinig niya.
"Hindi ka maari magtagal dito hindi ito ang mundo mo kailangan mong makabalik hanggat walang nakakaalam ang tungkol sayo" aniya at may nilabas na medallion may binabanggit siyang chant na wala akong maintindihan kahit isa hanggang sa may lumabas na isang portal gaya nung nakita ko sa gubat kung saan siya pumasok habang naglalakbay ang diwa ko walang pasabing tinulak niya ako papasok doon.
Bastos na babae kung wala lang siyang kapangyarihan nakatikim na siya sa akin.
"Aray" daing ko dahil tumalsik lang namab ako at tumama sa puno ang likod ko feeling ko magkaka fractured yata ako bastos na portal ito tinalsik ako. "Ang sakit" reklamo ko habang hawak ko ang beywang ko pinipilit na makatayo samantalang ang babaeng ito nakatingin lang sa akin hindi man lang ako tinulungan samantalang kasalanan naman niya.
"Bakit ayaw kang papasukin? Sino ka ba talaga?" nagtatakang tanong nito habang titig na titig sa akin "napaka misteryoso mong nilalang" dugtong niya na humawak pa sa baba nito na para bang may iniisip.
"Ang alam ko isa lang akong ordinaryong tao na estudyante ng Williams University at dahil sa pagiging pakialamera ko heto ako ngayon nasa mundo mo" hindi ko mapigilan sagutin dahil naiinis ako hindi man lang niya ako tinulungan makatayo.
"Kailangan ko ng umuwi tiyak hinahanap na ako baka isipin nila tumakas ako sa camping at makakarating kay mommy malamang magagalit at magaalala ito" frustrated na sabi ko napahilot na din ako sa sentido ko dahil baka atakehin si mommy sa puso sa sobrang pagaalala na ayaw ko naman mangyari.
"Sa tingin ko mahihirapan kang makabalik sa mundo mo at hindi ko pa alam ang ibang paraan para makabalik ka kaya dumito ka muna hanggang makahanap ako ng solusyon by the way I'm Aerin Cronin" pagpapakilala niya nilagay niya ang kanang kamay niya sa dibdib at yumuko parang yun yung way nila para makipagkilala.
Aerin...Aerin, Such a beautiful name!