PAGKATAPOS maasikaso ang pasyente ay pumasok si Camilla sa kabilang parte ng silid dala ang tolls na ginamit sa operasyon. Nadatnan niya roon si Chase na naghuhugas ng mga kamay sa lababo. “How’s Charlie?” tanong nito. “Okay lang siya. Pinaghahanda ko na siya para sa pagpasok ng school,” turan niya. Nagkunwari siyang hindi apektado ng presensiya nito. Nagpunas na ng kamay si Chase at pumihit paharap sa kan’ya. “You looked surprised. Aren’t you happy to see me here?” Iniwasan niya ito ng tingin at tumalikod. “Hindi ko pag-aari ang ospital para pagbawalan kang magtrabaho rito. Pero huwag mo akong guguluhin.” “Depende sa sitwasyon, Camilla. I can monitor your movement, so don’t make a decision that might ruin your life forever.” Nagtagis ang kaniyang bagang. “Don’t talk like you owned m