TUMAMBAY si Camilla sa operating room at naghintay ng schedule ng operasyon. May isang heart surgery sila sa umaga at naka-assign kay Herald ang pasyenteng lalaki. Naihanda na nila lahat ng kailangan pero alas-diyes pa naman ang simula ng operasyon. “Kumain ka na ba, Camilla?” tanong ni Reymond, isa sa kasama niyang nurse na lalaki. “Oo, almusal nga lang,” aniya. Naroon na sila sa extension ng OR. “Baka abutin tayo ng after lunch. Dapat kumain ka na. Medyo matagal ang operasyon.” “Ayos lang ako. Hindi naman ako mabilis gutumin.” “Sige. Baka parating na si Doc. Ipapasok na namin ang pasyente para makabitan ng aparatos.” Pumasok naman siya sa dressing room at nagsuot ng neat sa ulo. Nagulantang siya nang biglang may pumasok, si Herald pala. Nagmamadali kasi ito. Doon lang naman sila an