Chapter 6

2449 Words
NAGTATAKA si Camilla bakit sa halip na mabawasan ay nadagdagan ang pera niya sa bangko. Pasundot-sundot lang kasi ang kuha niya ng pera sa ATM machine kaya hindi niya masyadong namo-monitor ang status nito. Nang mag-withdraw na siya ng malaking halaga ay saka niya napansin na merong malaking amount na pumasok sa account niya. Nang malaman na nagmula sa mommy niya ang pera, nagduda na siya. Wala naman kasing malaking source of income ang mommy niya. Nagtatrabaho ito sa Barangay clinic bilang nurse at hindi naman kalakihan ang sahod. Isa pa, ang bunso niyang kapatid na lalaki ay nag-aaral ng veterinary, ginagastusan din ng mommy niya kahit pa may suporta mula sa ibang kamag-anak. Pagdating ng bahay ng kaniyang tiyahin ay tinawagan na niya ang ina. “Saan galing ‘yong pera, Ma?” kastigo niya sa ina. Kabuwanan na niya at kahit papano ay maayos na ang ugnayan nilang mag-ina. Ayaw lang talaga niyang umuwi ng Laguna. “Para sa panganganak mo,” wika ng kaniyang ina. “Saan ka naman kumuha ng two hundred thousand? Huwag kang magsinungaling sa akin, Ma.” “Ano, inipon ko ‘yan para sa ‘yo.” Hindi pa rin siya kombinsido. “No. You’re lying. Tinawagan ko si Tito Melo, wala siyang binigay na pera sa ‘yo. Wala rin sa ibang tiyahin ko lalo sa mga madre mong kapatid. Imposible ring magbigay si Lola, eh galit ‘yon sa akin.” Napabuntong-hininga ang kaniyang ina. “Huwag mo nang isipin kung saan galing ang pera. Kailangan mo ‘yon para sa anak mo.” “At least alam ko, Ma. Karapatan ko ‘yon.” “Kung sasabihin ko ba ang totoo ibabalik mo sa akin ang pera?” “Depende.” “Anak, huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Tanggap na namin na tinakasan mo ang kasal mo kay Chase, pero huwag kang tatanggi sa ambag ng tatay ng anak mo.” Napabuga siya ng hangin. Nagduda na siya na si Chase ang nagbibigay ng pera sa nanay niya para ipadala sa kan’ya. Kumulo bigla ang kaniyang dugo. “Hindi ko ibabalik ang pera pero last na ‘to, Ma. Sabihin n’yo kay Chase na manahimik na siya. At saka paano niya nalaman na buntis ako?” aniya. “Nagtaka ka pa, doktor si Chase. At saka nariyan siya sa Maynila, malamang ay alam niya kung nasaan ka. Pero anak, huwag ka naman gan’yan. Mabait naman si Chase.” “Mabait?” Tumawa siya nang pagak. Hindi pa niya nasasabi sa kaniyang ina ang natuklasan niya sa pagkatao ni Chase. Tiyak na mabubuhay rin ang trauma nito sa kaniyang ama. “Basta, huwag na kayong tatanggap ulit ng pera mula kay Chase. Sapat na ‘yong perang binigay niya para ambag sa bata.” “Pero huwag ka namang selfish, anak. Huwag mong ipagkait kay Chase ang karapatan niya sa bata. Masakit ‘yon sa part niya.” Panay ang buga niya ng hangin. “Sorry, Ma. Umiiwas lang ako sa gulo. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon.” “Ikaw ang bahala basta alagaan mo ang apo ko.” “Siyempre naman. Bye.” Kinagabihan pagkatapos ng hapunan ay nagsisimula na humilab ang tiyan ni Camilla. Umalis pa naman ang tiyahin niya dahil may dinaluhang kasal. Isang tindera sa grocery store at boy lang ang naroon pero hindi rin niya maobliga lalo’t malapit na magsara ang tindahan. Uuwi na ang mga ito. Dalawang araw pa bago ang due date niya kaso hindi na ata makapaghintay ang kaniyang anak at gusto na lumabas. Bumaba na siya ng lobby bitbit ang kaniyang bag na laman ay gamit ng baby. Hindi sumasagot sa tawag ang kaniyang tiya. Mayamaya ang silip niya sa labas at may napansin siyang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng store nila. Pumasok siya sa pintuan patungong store. “Katya, may nakita ka bang tanod sa labas?” tanong niya sa tindera. “Kanina po kaso umalis na. Bakit po?” “Baka puwedeng makatawag ng ambulance sa baranggay. Manganganak na ata ako,” sabi niya. “Hala! Sandali, Rolly!” Nataranta na si Kayta. Tinawag nito ang lalaking helper nila. “May numero sa kaniya ang baranggay health center kaso walang sumasagot nang tawagan niya. Bitbit na niya ang kaniyang bag at lumabas ng store. Nagulat siya nang may lalaking lumapit. Wari nakakita ng multo at tulala siyang napatitig sa mukha ng lalaki. “C-Chase?!” gilalas niyang sambit. Kumurap-kurap pa siya ngunit hindi siya nagmalikmata. Nasa harapan na niya si Chase! “Manganganak ka na, huwag ka na mag-inarte,” sabi nito. Napatili siya nang bigla siyang buhatin ni Chase. Inutusan pa nito si Rolly na bitbitin ang kaniyang bag. “Call Camilla’s aunt. Papuntahin n’yo siya sa ospital,” sabi nito kay Rolly. “Teka, sino po kayo, sir?” tanong naman ni Katya, natataranta, akala ata na-kidnap si Camilla. “Don’t worry. Ako ang tatay ng dinadala ni Camilla,” ani Chase. Hindi na nakapagpumiglas si Camilla dahil lalong humilab ang kaniyang tiyan. Maingat naman siyang isinakay ni Chase sa kotse, pinaupo sa tabi ng driver at kinabitan ng seat belt. Nagprotesta pa siya dahil nahihirapan siya lalo sa seat belt. Pakiramdam niya’y lalabas na ang kaniyang anak. Nakapag-drive pa si Chase pero dahil traffic, mabagal ang usad ng sasakyan. Napapasipol na si Camilla sa sakit at hindi alam kung saan kakapit. “Wala na bang ibang daan? Hindi na tayo umuusad! Manganganak na ako!” reklamo niya. Hindi na niya alam kung saan siya kakapit. Nasasagi na niya ang braso ni Chase. “Kaya kitang paanakin pero kailangan natin ng maayos na puwesto at gamit,” sabi nito. Nang maalala na doktor ang kaniyang kasama, uminit ang ulo niya at hindi nakapagpigil. Nakagat niya sa kanang braso si Chase. “Aw! What the hell!” asik nito nang masaktan. “Buwisit ka! Kaya mo naman pala magpa-anak, sana sa bahay na lang!” nanggagalaiting singhal niya. “Baka kasi ayaw mo at wala akong dalang gamit na safe gamitin.” “Kainis ka talaga! Lalabas na ang baby ko!” Nahampas pa niya ng kamay sa braso si Chase. “Calm dawn! Lalo kang mahihirapan niyan.” “Gawan mo ng paraan para makaalis tayo sa traffic! Ayaw kong manganak dito!” “Okay. Relax. Babalik na tayo sa bahay n’yo.” Ibinalik nga ni Chase ang rota nila. Lalong humilab ang puson niya at wari puputok na ang kaniyang pantog. Napapasigaw na siya. “Bilisan mo! Malalagutan na ako ng hininga rito!” aniya. “Wait, I’m calling my man to come here. Uutusan ko siya na mabili ang gamit na kailangan natin.” Mayamaya ay may kausap na sa cellphone si Chase. Pabalik na sila ng bahay. Malayo rin ang barangay health center at maiipit pa rin sila sa traffic kung pupunta sila roon. “Ugh! Lalabas na ang baby!” sigaw niya. “Sh*t! Hold on, Camilla!” ani Chase. Nakarating din sila ng bahay. May lalaking lumapit sa kanila lula ng motorsiklo. Mabilis na nagsulat si Chase sa prescription booklet nito at ibinigay sa lalaki kasama ang pera. Magpapabili malamang ito ng kailangan nito sa pagpaanak sa kan’ya. Nang makaalis ang lalaki ay binuhat siyang muli ni Chase at binulabog ang kasama nila sa bahay. Dinala siya ni Chase sa kaniyang kuwarto at pinahiga sa kama na sinapinan nito ng makapal na kumot at may adult diaper sa ilalim ng kaniyang puwitan. Inutusan nito si Kayta na kumuha ng mainit na tubig. Hindi na naisip ni Camilla ang inis kay Chase at inatupag ang paghilab ng tiyan. Hinubaran na siya ni Chase ng undies at ibinuka ang kaniyang mga hita. “Take it easy, Camilla. Mawawala rin ang sakit mamaya,” sabib nito, kalmado. “Ano pa ba ang hinihintay mo? Huwag mong silipin ang ano ko, baka masipa kita!” “Puwede ba kahit ngayon lang maging mabait ka sa akin? Stop talking, mauudlot ang paglabas ng baby sa pabago-bago ng mood mo. Hintayin lang natin ang inutusan kong bumili ng gamit at gamot.” Hindi na siya nakaimik nang bumuwelo na naman ng hilab ang puson niya. Tinutulak na ng ulo ng anak niya ang labasan nito. Napapasigaw siya sa sakit. Mayamaya ay dumating din ang lalaking inutusan ni Chase. May ibinigay itong bag kay Chase at kung anong gamot na may kasamang syringe. Wala nang keme at inisip na lang niya, ibang doktor si Chase. Mas mahalaga ang kaligtasan ng kaniyang anak. She can help herself to give birth, but she’s afraid to fail due to panic attacks. “Give your best, Camilla. Push it at once!” ani Chase. Nakaabang na ito sa pagitan ng kaniyang mga hita at may suot nang surgical gloves. Isang malakas na ire naman ang pinakawalan niya sabay puwersa habang nakakapit sa headrest ng kama. Nanilim ang paningin niya dahil sa makapigil-hinigang kirot. Nangatal nang husto ang kaniyang kalaman ngunit sa isang iglap ay naglaho ang kaniyang hirap nang mailuwal niya sa wakas ang sanggol. May mga gamit na si Chase pang-opera at kung anong kailangan sa pagtahi ng sugat. Maayos nitong naputol ang pusod ng kaniyang anak. Ilang minuto pa bago siya nahimasmasan. Nakarating na ang kaniyang tiyahin at wala sa wisyo dahil nakainom ng alak. “Ah, nagtawag ka na pala ang doktor, Camilla. Mabuti, sobrang traffic pa naman ngayon dahil weekend at rush hour,” sabi ng kaniyang tiya. Naroon din si Katya at tila naalimpungatan, tulalang nakamasid sa kaganapan. “Doktor pala siya? Pero sabi niya siya ang tatay ng anak ni Camilla,” anito. “Anong sabi mo?” Halos lumuwa ang mga mata ni Solidad sa pagkagulat. “Eh, ‘yon po sabi ng lalaki kanina, Madam.” Napatitig naman ang kaniyang tiyahin kay Chase na busy sa pagtahi ng sugat ni Camilla. Naturukan na siya nito ng anesthesia kaya hindi niya masyadong ramdam ang sakit. “Hoy, Camilla, tama ba ang sinabi ni Katya?” kastigo naman sa kaniya ng ginang. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. “Ano, opo. Pero hindi ko po siya pinapunta rito. Bigla lang siyang sumulpot,” paliwanag niya. “Dios mio garapon!” Napasalampak ng upo sa sahig ang kaniyang tiya. Nawawala talaga ito sa wisyo lalo’t lasing. Nagkunwari pa itong hinimatay. “Madam Solidad! Sus maryosep naman, oh!” bulalas ni Katya. Nilapitan nito ang ginang at inalalayang makaupo sa sofa. “Is your aunt alright, Camilla?” tanong naman ni Chase. “Okay lang siya. Lasing lang ‘yan,” aniya. Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ni Chase. Nagliligpit na ito ng kalat. Wala rin siyang lakas at gusto na lang matulog, ni hindi niya mabuhat ang kaniyang anak. Nakatitig lang siya kay Chase habang karga ang sanggol. He’s smiling while talking to their child. “What is his name?” mayamaya ay tanong ni Chase. “Charlie,” tipid niyang turan. “Please use my sure name for him.” Magrereklamo pa sana siya. “Pero….” “Don’t be selfish, Camilla. I won’t ruin your life if you want peace, but taking away my rights for my son was another issue. You can’t let him grow without a father, right? Kahit para sa anak mo lang, hayaan mo siyang maranasan ang buong pamilya.” “I can give him a family he deserves, but I won’t allow your dark life to be shared with my son.” “I won’t.” “Just leave us alone, Chase. Ayaw kong mabuhay sa takot. Gusto kong mamulat sa payapang mundo ang anak ko. Can you give that world to us?” Umiwas ng tingin sa kaniya si Chase. His silence answered her question. “I’m sorry. I can’t give you that for now, but please, don’t end my rights to Charlie just now. I want to see him grow. I will support him financially until he finishes his studies,” anito pagkuwan. “Then, you better stay away from us. That means a lot. I will accept your support for my son, but there is a limitation. You can’t get closer to him.” Inilapag din nito sa tabi niya ang sanggol at hinagkan sa noo. “Sorry, son, I can’t live with you closer right now. Promise, I will still your father.” Habang nakikinig sa sinabi ni Chase sa kaniyang anak, wari binubusa naman ang kaniyang puso. Naalala niya noong umalis ang daddy niya. Akala niya’y pupunta lang ito sa ibang bansa para magtrabaho. And her father’s last words broke her heart. Iyon pala ay may ibang dahilan bakit ito lalayo sa kanila. “Sorry, anak, hindi ako puwedeng manatili sa tabi mo. Pero kahit nasa malayo ako, ako pa rin ang tatay mo at mahal na mahal kita,” huling wika ng kaniyang ama noon bago sila iniwan. Pitong taon siya noong umalis ang kaniyang ama papuntang Italy. Bumalik ito noong eighteenth birthday niya pero saglit lang at kaagad ding umalis. “I need to go. Please take care of Charlie. I will send you money for his future needs, and please don’t refuse it. Asikasuhin mo ang birth certificate ni Charlie at pipirmahan ko once naayos na,” ani Chase. Kinuha na nito ang gamit. “Paano kita mahanap para pumirma?” “Wait. May kukunin ako sa kotse.” Sandali itong umalis bitbit ang gamit. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si Chase, may inabot sa kaniyang calling card. Pero hindi sa card natuon ang focus ni Camilla kundi sa pulang kaheta na inilapag ni Chase sa mesita. “Ano naman ‘yan?” padaskol niyang tanong, tinutukoy ang kaheta. “Iyan ang engagement ring na binalik mo kay Mommy. Keep that.” “Ano? Bakit ko pa ibibigay sa akin ‘yan? Nag-cancel na ako ng kasal!” “We’re still engaged, Camilla. Hanggat hindi ka nagpapakasal sa ibang lalaki, ako pa rin ang fiance mo. Itago mo ang singsing kung ayaw mong isuot. Kung gipit ka, puwede mo ‘yang isanla pero huwag mong ibebenta. That ring costs more than two hundred thousand. Huwag mo ‘yang iwawala.” Natigagal siya. Muling nilapitan ni Chase ang sanggol at kinausap. “Be a good boy, Charlie. I’m just around to look after you. Please be good to your mother. Huwag kang pasaway.” Muli rin nitong hinagkan sa noo ang sanggol. “I need to go. Take more rest, Camilla,” pagkuwan ay paalam nito. Hindi na nakakibo si Camilla. Sinundan lang niya ng tingin ang binata habang paalis, ni walang salitang binitawan dahil wari may kung anong nakabara sa kaniyang dibdib. She just let her tears drop from her eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD