I slowly turned to face Kristoff. Nagkatinginan kami. Walang nakapagsalita agad sa amin. We were just both standing there and looking at each other. "You remembered." Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil nakatingin lang talaga siya sa akin. Sa mukha ko. Unti-unti siyang tumango. Nagbalik na pala ang mga alaala niya. At ngayong naalala na niya mula simula ay baka naisip niyang mali iyong mga nangyari sa amin noon... Dahil kahit hindi kami magkadugo, pinalaki pa rin kaming magkapatid. "Good for you..." I didn't know what to say. "Attorney Chiong." Bumaling ako sa tumawag. It was Atty. Flores. "Excuse me, may ipapa-check lang sana ako." I nodded. May trabaho pa kami. I turned to Kristoff one last time para magpaalam. He just slowly nodded. Tinalikuran ko na siya. Hindi ko na rin s

