Tahimik kong pinagmamasdan si Tisoy habang natutulog siya. Inangat ko ang isang kamay para marahang mahawakan ang kanyang mukha. Pinasadahan ko ng haplos mula sa may kakapalan niyang mga kilay pababa sa mga mata niya. His long lashes matched his deep eyes. Ang matangos niyang ilong, his reddish lips, down to his jaw... Maingat kong inalis ang pagkakayakap ng mabigat niyang braso sa dibdib ko. I was careful not to wake him up. Walang ingay na bumangon at umalis ako ng kama. Madilim pa nang lumabas ako ng villa at umalis ng isla. Pinuntahan ko ang address na ibinigay sa akin ni Manang. Nang makarating doon ay pinagbuksan ako ng isang babae. "Sino sila? Ano'ng kailangan nila?" "Uh, dito po ba nakatira si Chona—" "Chona? Kapatid ko iyon. Nakababatang kapatid niya ako. Bakit?" I looked a

