CHAPTER 2

2024 Words
CHAPTER 2 "Paano kayo nagkakilala?" narinig ni Minerva na tanong ni Jessica. Pinaglipat-lipat pa nito ang paningin sa kanya at sa pinsan ng asawa nito--- si Drew. Minerva lost for words to say. Ni hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Jessica. Maliban sa bagong kasal ay nakatutok na rin ang mga mata ng ibang bisita sa kanya. Gusto niya pang pagsisihan na pinaunlakan niya ang paanyaya na manatili muna sa reception ng mga ito. Kung alam niya lang na makikita niya ulit sa lugar na iyon ang binatang naging dahilan ng malaking pagbabago sa buhay niya ay hindi niya gugustuhin na manatili pa roon. "I-I---" "We've met before. College days," maagap na putol ni Drew sa mga sasabihin niya sana. Nagsalita ito nang hindi man lang inaalis ang pagkakahinang ng mga mata sa kanya. And Minerva can't help the tightening on her chest. College days--- ganoon na lang siya nito ipakilala. He was talking so casually as if they never shared something special before. O mayroon nga ba? Baka siya lang talaga ang nag-iisip ng ganoon. Para dito ay wala lang ang mga nangyari sa kanila noon. "Oh!" Jessica exclaimed. "Buti na lang pala ay nag-stay ka pagkatapos ninyong mag-ayos dito, Miss Sta. Maria. At least nagkita kayo nitong si Drew." Nahihiyang napangiti na lamang siya sa babae. "What do you mean na nag-ayos dito?" narinig niya pang usisa ni Drew. Nang titigan niya ang mukha nito ay nakita niya pang nagsasalubong ang mga kilay ng binata. "We got all the flowers from Miss Sta. Maria's flower shop, Drew." Si Daniel ang sumagot sa tanong nito. "Maging ang mga bulaklak na ginamit sa simbahan ay sa shop niya rin galing." Bahagya niyang naiyuko ang kanyang ulo nang mataman siyang pagmasdan ni Drew. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan nito ay hindi niya alam. Hindi niya man gustong aminin ay nais niya pang makadama ng panliliit ngayong kaharap niya ito. He became a lawyer. Natupad nito ang pangarap na maging isang abogado. Samantalang siya ay hindi na natapos pa ang pag-aaral at ngayon ay nakatira lamang sa isang maliit na establisimiyento kung saan iyon na rin ang kanyang shop. Magkaiba na sila ngayon ng katayuan sa buhay. Dati ay siya ang nasa taas at si Drew ang naaalangan na makipaglapit sa kanya. Now, it's the other way around. Siya na ang nanliliit dahil sa kaalaman na naging matagumpay ang binata samantalang siya ay mag-isa na lamang ngayon na itinataguyod ang lahat sa buhay niya. Tumikhim muna siya bago nagwika na. Si Jessica ang sadya niyang tiningnan nang magsalita. "Thank you ulit sa pag-imbita, Miss Jessica, pero magpapaalam na rin kami. I really need to go. May ilang orders pa kasi ng mga bulaklak na kailangan naming tapusin," pagdadahilan niya dito. Hindi pa sana sang-ayon ngunit wala nang nagawa ang bagong kasal nang nagpumilit na siyang umalis. Nanghinayang pa si Jessica dahil sa pagmamadali niya. Nais pa sana nitong makilala siya at makakwentuhan lalo pa ngayon na alam nitong kakilala niya ang abogadong pinsan ng asawa nito. Pero hindi na siya nagpaawat pa. Kung maaari lang na takbuhin na niya ang palabas ay kanina niya pa ginawa. Seeing Drew again was the last thing that she expected to happen on that day. Nang makalapit siya ulit kay Aneth ay agad na niya itong inaya paalis. Nagtaka pa ang dalaga sa wari ay pagkatarantang nakita nito sa kanyang mukha. "Ayos ka lang ho ba, ate?" tanong pa nito. "Bilisan na lang natin, Aneth. Baka naghahanap na si Justin sa akin." Binilisan na niya ang paghakbang hanggang sa marating nila ang parking lot kung saan naroon ang kanyang sasakyan. Ilang hakbang na lang bago sila makarating roon nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. "Minerva!" She held her breath as she turned to look at him. Halos humihingal pa si Drew matapos ng lakad-takbo nitong paghabol sa kanila. Nang huminto ito sa kanilang harapan ay bahagya pa nitong sinulyapan si Aneth na ngayon ay nagtatakang napapatingin sa binata. "Mauna ka na sa sasakyan, Aneth," sabi niya sa dalaga sabay abot na lamang dito ng bag na dala-dala niya. Isang tango ang ginawa nito bago tumalikod na at naglakad palapit sa kanyang sasakyan. Hinintay niya pa muna na tuluyang makaalis si Aneth bago muling humarap sa binata at magwika. "What do you need?" Drew was silent for a moment. Sa halip na sagutin agad nito ang kanyang tanong ay malaya muna nitong pinaglakbay ang mga mata sa kabuuan ng kanyang mukha. "If wala ka namang sasabihin ay---" "So, your dream to have a flower shop came true," saad nito sa kanya. Hindi niya pa alam kung guni-guni lamang ngunit gusto niyang isipin na totoong galak ang nakita niya sa mukha nito nang sabihin iyon. "Maliit lang ang flower shop na pag-aari ko. Ni hindi iyon kilala at maswerte na kung may kliyenteng kukuha sa amin," imporma niya dito bago may idinugtong. "Ikaw din naman. You're now a lawyer. Natupad din ang pangarap mo." Tipid lamang itong tumango sa mga sinabi niya at hindi na nagbigay pa ng komento tungkol doon. "How about you? You now own a shop. Good thing na napagsasabay mo iyan sa pagiging isang abogada," saad pa ni Drew habang mataman pa rin na nakamasid sa kanya. Minerva swallowed an imaginary lump in her throat. "H-Hindi ako nakapagtapos." Kung ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng binata ay hindi niya alam. Parang itinulos sa kinatatayuan na napatitig ito sa kanyang mukha. Disbelief was on his face now. Alam niyang hindi nito inaasahan iyon. She came from a well-off family. Isang abogado rin ang kanyang ama at kay dali lang para sa kanyang mga magulang na pag-aralin siya ng abogasya. Kahit sa isang kilalang unibersidad ay kaya niyang pumasok at hindi magiging problema ang pinansiyal na aspeto. But it didn't happen. And hearing that she wasn't able to finish her studies really shocked Drew. "Why?" usisa pa nito. Because Justin came--- she wanted to shout at him. Gusto niyang isumbat dito na matapos niyang mabuntis at iwan nito ay tuluyan nang nagbago ang buhay niya. Pero ano pa ba ang silbi niyon? It has been years. Ang dami nang nangyari sa buhay niya mula nang basta na lamang itong nawala at iwan siya. And if there's one thing that she didn't want to happen was for Drew to know about her son. Iniwan siya nito bago pa man niya malaman na nasa sinapupunan na niya si Justin. Inabandona nito hindi lang siya, kundi maging si Justin na rin. At hindi na niya nais pang magkaroon ito ng kaugnayan sa kanyang anak na umpisa pa lang ay pinabayaan na nito. "Bakit hindi mo natapos ang pag-aaral mo?" "Hindi kasi lahat ng gusto natin sa buhay ay nakukuha natin, Drew," makahulugan niyang wika dito. "Minerva---" "Kailangan na naming umalis," putol na niya sa mga sasabihin pa sana nito. "Narinig mo naman siguro kanina nang sabihin kong marami pa kaming kailangan gawin. I need to go." Hindi na niya hinintay pa na makasagot ito. Agad na siyang tumalikod upang sana ay lumapit na sa kanyang sasakyan. Ngunit ilang hakbang pa lang ng nagagawa niya nang marinig niya muli ang tinig ng binata. Mabilis siyang napahinto dahil sa mga sinabi nito. "We will see each other again, Minerva. I will make sure of that." Agad ang pag-usbong ng kaba mula sa kanyang dibdib dahil sa mga sinabi nito. Iyon ang bagay na hindi na niya sana pa gustong mangyari. Kapag nagkita pa sila ay may posibilidad na malaman nito ang tungkol sa kanyang anak. She turned to look at him again. Ang likuran na lamang nito ang nakita niya habang naglalakad na itong muli pabalik sa pinagdadausan ng reception ng kasal nina Jessica at Daniel. Bakit kung kailan maayos na ang buhay niya ay saka sila muling nagtagpo? Paano na lang kapag nalaman nito ang tungkol kay Justin? "GOOD NIGHT, 'ma," wika ni Justin sa mahinang tinig habang inaayos nito ang pagkakahiga sa kanilang maliit na kama. Minerva smiled at him. Tinulungan niya pa itong ayusin ang kumot na nakabalot na sa katawan nito. Nang masiguro niyang komportable na ito sa pagkakahiga ay masuyo niyang hinaplos ang buhok ng kanyang anak. "Good night din, Justin," anas niya. Alam niyang kanina pa nakadarama si Justin ng antok ngunit lagi na ay gusto nitong samahan muna niya sa pag-akyat sa kanilang kwarto upang makatulog ito nang maayos. Kaya naman, kahit marami pa siyang kailangan gawin sa kanilang shop sa ibaba ay huminto muna siya upang asikasuhin na ito. Nilinis na niya ang katawan ng kanyang anak saka binihisan ng damit. Ngayon ay tinabihan niya pa ito sa pagkakahiga upang tuluyan na itong makatulog. Hindi niya pa maiwasang mahulog sa malalim na pag-iisip habang patuloy sa paghaplos sa buhok nito. Justin is now five years old. Nabibigay naman niya ang lahat ng pangangailangan nito, mula sa pagkain, damit at pag-aaral. Ngunit alam na alam ni Minerva na kulang iyon para dito. She knew very well that Justin needed a complete family. Kahit pa sabihin niya na kaya niyang gampanan ang pagiging ama at ina dito nang sabay ay alam niyang hindi iyon sapat. Though, there's Paul. Totoo namang anak ang turing dito ng kanyang kaibigan. Si Justin din ay papa ang tawag dito. Ngunit dahil nga sa sirkumstansiya nila ay kinailangan niya rin na ipaliwanag kay Justin ang totoo. Alam ng bata na hindi si Paul ang totoo nitong ama. Hindi habang-buhay ay nasa tabi nila si Paul. Sooner or later ay magsisimula na rin ito ng sarili nitong pamilya. And someday, she knew Justin will also ask about his real father. Ano ang sasabihin niya dito? Na ang ama nito ay iniwan sila hindi pa man ito ipinapanganak? Na hindi hinarap ng ama nito ang responsibilidad sa kanya kaya napilitan ang Papa Paul nito na akuin iyon? And then what? Sasabihin niya ba na ngayon ay nagtagpo silang muli ng ama nito at sa panig nito ay waring wala lang nangyari? Yes, kanina ay iyon ang napansin niya kay Drew. Hindi niya alam kung magaling lang itong umarte o sadyang balewala lang talaga para dito ang iwan siya noon. He moved and talked a while ago so casually. Para bang walang malaking kasalanan na nagawa sa kanya. And the hell of a man to say that they will see each other again. Hindi na niya nais pang magkrus ang kanilang mga landas. Hindi na! Minerva closed her eyes as she hugged her son in a tight embrace. Nakatulog na ito habang yakap-yakap ang unan na may disenyo ng paborito nitong superhero. Ni hindi na niya namalayan pa na basa na pala ang kanyang mga pisngi dahil sa kanyang pag-iyak. It has been years. Ang buong akala niya ay nakalimot na siya sa sakit na idinulot sa kanya ni Drew noon. Ang buong akala niya ay nakabangon na siya mula sa mga nangyari sa nakaraan. Ngunit isang kita niya pa lang kay Drew makalipas ang maraming taon ay muling bumalik sa kanyang dibdib ang sakit. Ilang taon na ang lumipas pero pakiramdam niya ba ay parang kahapon lamang nang basta na lang siya iwan ni Drew. Iniwan siya nitong mag-isa na harapin ang lahat matapos niyang malaman na nagdadalang-tao siya. Iniwan siya nitong mag-isa dahilan para itakwil siya ng kanyang ama. If not because of Paul who was there for her, baka hindi niya nakayanan ang lahat. And seeing him now gave her a realization--- she hasn't move on yet from him. Sa kabila ng mga taong dumaan ay ito pa rin ang lalaking laman ng puso niya. If not, hindi na sana siya nasasaktan ngayon. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay marahan na niyang pinunasan ang kanyang mga pisngi. Maingat na rin siyang naupo mula sa pagkakahiga sa tabi ng kanyang anak. She looked at Justin's face lovingly. Sa lahat ng pinagdaanan niya ay ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. And looking at his face right now, Minerva can't help but to remember everything that happened before. Wari iyong daloy ng tubig sa ilog na tuloy-tuloy na umagos sa kanyang isipan......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD