Irish POV Nanlalata at pagod ang katawan na bumangon ako. Bukod kasi sa kumakalam ang sikmura ko ay nag-aalala ko sa sitwasyon ng hacienda. Sa akin ito pinagkatiwala ni Don Pablo at ayaw ko siyang biguin kaya kahit ganito ang pakiramdam ko ay bumangon ako. Mabilis na naligo ulit ako kasi nanlalagkit ang pakiramdam ko. Masakit man ang balakang at mahapdi ang sentro ng pagkababaê ko ay ipinagsawalang-bahala ko muna ito. Mamaya na ako magpapahinga kapag natapos ko na ang mga kailangan kong gawin. 'Wag lang talagang mangyari na pigilan ako ni Collin at magwawala na ako dito sa bahay n'ya. "Bakit hindi ka muna magpahinga?" tanong ni Collin ng lumabas ako at lumapit sa paanan ng kamang kinahihigaan nito para pumili ng damit sa loob ng paper bag na dala nito kanina. "Hindi na, importante an