CHAPTER 10

2061 Words
MALAKAS na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko ang nagpagising sakin. Pilit kong idinilat ang mga mata ko. Dahil pakiramdam ko napakabigat ng talukap ko. Kinapa ko ang unan na nasa gilid ng kama ko at tinakip ko iyon sa mukha ko. Pagkatapos muli akong natulog. "Tok! Tok! Tok!" Ilang saglit ba bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Si Mama na naman yon. Kapag kasi hindi ko agad napagbubuksan ng pintuan si Mama. Ginagamit niya ang duplicate na Susi ng kwarto ko. "Bernadette! Gumising ka nga dyan!" Sabi niya sakin. Inalis pa niya ang unan sa mukha ko. "Hmmm... Mama naman! Inaantok pa ako eh," "Gumising kana dyan at marami tayong gagawin ngayon." "Mama magpatulong na lang po kayo sa mga katulong natin. Inaantok pa kasi ako." "Bernadette babangon ka ba dyan! O tatawagin ko si Patrick para sya ang mang gising sayo." Napabalikwas ako ng bangon. Paano naman kasi binanggit niya ang hudas na yon. Ayaw ko pa namang maririnig yon." "Mama! Wag nyong matawag-tawag yang si Patrick na yan!" Inis kong sabi kay Mama. Nawala na tuloy ang antok napalitan ng pagkainis. "Bakit naman Anak? Kapitbahay lang natin si Patrick. Inimbitahan ko nga sila mamaya na dito mag dinner." "Mama!!" "Wag kang masyadong OA Bernadette. Pasalamat ka nga at may taong nakakaunawa sa pagiging Masungit mo. Kausapin mo na si Patrick." Si Mama kasi.. Gusto niya si Patrick para sakin. Naalala ko tuloy noong naikwento ko sa kanya ang nangyari sa Stadium. Imbes na makisimpatya siya sa galit ko. Tumawa pa siya sakin. At sinabi niyang wag daw akong masyadong maghinala. At bawasan ko daw ang standard ko sa pagpili ng isang lalaki dahil kahit saang lupalop ako pumunta wala daw lalaking perpekto. Baka daw may puting buhok na ako wala pa daw akong Nakikita. "Basta ayoko nga eh!" "Hay! Naku Bernadette kelan ka ba magbabago. Ang tigas ng puso mo. Tara na nga at tulungan mo akong mamili ng pagkain na iluluto mamaya." "Huh? Anong dahilan bakit tayo mag hahahanda?" Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Mama sakin. "May bisita tayong darating anak. Tutulungan mo akong magluto ng pagkain." "May choice ba akong tumanggi?" "Wala Bernadette! Kaya bumangon kana dyan at tulungan mo na ako." "Haist! Sige na nga po!" "That's my Baby! Sige hihintayin kita sa kusina. Mag-almusal muna tayo." Sabi sakin ni Mama. Tapos umalis na siya. Ako naman ay nagmadaling naligo. Pagkatapos ng ilang minuto nagtungo na ako sa kusina upang kumain ng almusal. "Mama! Anong oras ba darating ang bisita mo?" Tanong ko kay Mama. Habang kumakain kami ng almusal. "Gabi pa anak. Bago ko nga pala makalimutan. Pinagyabag ko sa Bisita natin na marunong kang mag bake ng cake. Kaya sabi niya sana daw matikman niya ang gawa mo. Kaya anak mag bake ka ng cake ha!" Sumimangot ako. Kaya lang naman ako noon gumawa ng cake kasi birthday ni Mama at gusto kong ako ang gumawa ng cake para sa kanya. "Mama bibili na lang po ako ng cake para hindi ako mapagod." "Bernadette! Pagbigyan mo na ako. Gumawa ka ng cake. Pinagmamalaki ko pa naman na sobrang sarap mong mag bake ng Cake." "Sige na nga po! Pero ito ang pinakahuli Mama." Sumilay ang ngiti ni Mama ng pumayag ako sa request niya. "Excuse me po Ma'am may nagpapabigay po kay Miss Bernadette!" Sabad ng katulong namin. "Pakitapon na lang po." Sagot ko sa katulong namin. Alam ko kasing galing yon kay Patrick araw-araw kasi niya akong binibigyan ng bulaklak. "Yaya! Pakilagay na lang dyan sa tabi." Sabi ni Mama. "Mama, hayaan nyo na lang po ako sa gusto ko." "Sige Bernadette mag-inarte ka pa! Alam mo bang may ibang babae ang nireto ang magulang ni Patrick sa kanya. Kasi nga sabi ko ayaw mo na sa kanya." Saglit akong napahinto sa pagkain. "Rutcher ba ang apelyido ng babae Mama?" Sabi ko. "Ay Parang Rutcher nga! Dianne Rutcher yata yon anak. Nakita ko nga ang picture ang ganda at sexy." "Psh! Mas maganda pa ako don noh!" "Eh, bakit apektado ka anak?" "Hindi po ako apektado. Mabuti ngayon para wala ng mambwibwiset sakin araw-araw. Magsama silang dalawa!" "Aysus! Kung hindi ka apektado wag mong durugin yang ham na nasa plato mo!" Nakangising sagot ni Mama. Saka ko lang napansin na durog-durog na ang Ham ko. "Wala na akong gana Mama!" Sabay tayo ko at nagtungo ako sa silid ko. "Sige tatawagin na lang kita kapag aalis na tayo." Tumango ako at nagtungo ako sa silid ko. Pagkatapos kong magtoothbrush. Humarap ako sa salamin. "Mas maganda pa ako doon at mas matalino!" Kung ano-anong anggulo ang ginawa ko sa harap ng salamin. Pagkatapos naisipan kong lumabas ng kwarto at tumambay sa may balkonahe namin. Bago ako umupo doon sinilip ko muna mula sa bakuran kung naroon si Patrick. Bakuran lang kasi ang pagitan ng bahay namin ng mapansin kong wala pa siya umupo ako sa balkonahe namin at naghintay sa pagdating niya. Hanggang sa narinig ko ang busina ng kotse. Nagmadali akong sumilip sa labas upang tinggan kung sino ang dumating. "Kotse ni Patrick yon!" Tapos narinig ko ang boses niya na kinakausap ang Katulong nila. "YAYA! Malinis ba ang Swimming pool maliligo po ako!" Narinig kong sabi ni Patrick. "YES SENYORITO!" Para akong tangang nakadikit ang tenga ko sa gate nila upang marinig ang pinag-uusapan nila. "Mililigo siya sa Swimming pool?" Nagmadali akong tumakbo sa Silid ko at Hinanap ko telescope ko. Tapos binuksan ko ang sliding window ng kwarto ko. Mas kita kasi doon ang swimming pool nila Patrick kapag nandun ako. Napakagat labi ako ng maghubad ng t'shirt si Patrick. Bakit lahat ng gwapo may sick packs Abs. Ganun ba talaga ang Requirements ng mga casanova. Hindi na rin ako kumurap nang parang slow motion na hinubad ni Patrick ang short niya. At lumantad ang boxer niya. "Papa jesus! Patawarin nyo ang mga mata kong nakakita ng Malaking keso De bola." Dasal ko pa. Pakiramdam ko nagliliyab na ang katawan ko dahil sa pinapanood ko. Bakit sobrang yummy naman yata niya ngayon. Mas lalong naging gwapo siya sa paningin ko ng mabasa ng tubig ang katawan niya. Na enhance ang mapula niyang labi. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya kasi talaga namang Vitamins sya. "ANO YAN!" "Ayy!! Kalabaw!" Sigaw ko. Pulang-pula ang mukha ko ng makita ko si Mama na nakataas ang kilay at nakacross arm. Mabilis kong tinago ang telescope sa likuran ko. "W-wala M-mama!" Nauutal kong sagot." "Hmmm..." Lumapit siya sakin at inagaw sakin ang telescope. Hiyang-hiya ako sa kanya. "Sinisilip mo si Patrick noh?" "Po?" "Ikaw anak wag kang paHard to get. Kung gusto mo ang isang tao. Wag mo ng pakawalan. Dahil baka maagaw pa siya ng iba." "Mama naman!" "Magbihis kana aalis na tayo. Wag mong bosohan si Patrick nakakahiya kapag nahuli ka." Sabay ngiti ni Mama. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nangyari. Napahiya ako sa sarili kong katangahan. Hanggang sa pamimili namin ni Mama hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nahihiya kasi ako sa kanya. "Mama sorry! Baka isipin mo ang landi ko na!" Sabi ko Kay Mama. Habang nasa biyahe kami pauwi. Tumingin sakin si Mama. "Haha! Wala yon anak. Napagdaan ko na din yang kapilyahang ginawa mo." "Talaga po?" "Oo naman Anak. Mas malala pa dyan nagawa ko noon. Kaya wag kang mahiya sakin." Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya atleast ngayon hindi na ako mahihiya kay Mama. Nagawa ko na ulit makipag-kwentuhan kay Mama na hindi naiilang sa kanya. Pagkatapos naming mamili ni Mama naging abala na kaming dalawa sa kusina. Ako gumawa ng Cake para sa bisita ni Mommy. Samatalang si Mommy naman ang nagluto ng ulam. Nakagawian na kasi namin na kami ang nagluluto ng pagkain tuwing may bisita kami. Pasado alas singko na ng tuluyan naming natapos ang mga inihanda namin para sa bisita. Kaya may oras pa kami para mag-ayos ng sarili. "Mama, anong oras po ba darating ang bisita nyo?" Tanong ko sa kanya." "Alas otso pa anak." "Ganoon po ba? Matutulog muna po ako. Mag-aalarm na lang ako." "Sige Anak. Magpahinga ka muna!" "Sige po Mama salamat po!" Pagkatapos kong magpaalam kay Mama. Nagtungo na ako sa silid ko upang matulog. LABING LIMANG MINUTO Bago mag alas otso ng Gabi narinig namin ang pagbusina ng kotse mula sa labas ng bakuran namin. Mismong si Mama ang lumabas upang pagbuksan ang espesyal na taong dumating. Makalipas ang ilang segundo bumungad sakin ang nakangiting si Patrick. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanya O maiinis. Ilang linggo na din kaming hindi nagkikita mula ng makita ko sila ng babaeng yon. "Hello! Idol kamusta kana?" Sumimangot ako. "Kanina maganda! Pero dahil nakita na kita hindi na ako ngayon okay!" Lumapit siya sa kinauupuan ko. Nakakainis parang akala mo wala kaming naging pag-aaway dalawa. Kung makalapit sakin." "ANO BA! DUMIDIKIT ANG KESO DE BOLA MO!! WAG KA NGANG LUMAPIT SAKIN!!" "Huh? Keso de bola! Ano yon?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Gaga ka talaga Bernadette! Bakit mo sinabi yon!" Bulong ko sa isip. "Lumayo ka sakin! Bakit ka ba nandito?!" "Ininvite ako ng Mama mo. Kaya ako nandito! Sabi niya kasi namimiss mo na daw ako kaya pinapanood mo akong maligo kanina." Pilyo pa siyang ngumiti. "Whaahh! Grabe si Mama bakit niya yon sinabi? Huhu!" "Paniwalang paniwala ka naman! Ikaw pala ang bisitang sinasabi ni Mama! Bwisita ka!" Galit-galitan ko sa kanya. Pero ang totoo gusto ko ng tumakbo papuntang kwarto sa kahihiyan ko. "Bernadette! Ang Daddy mo." Naiangat ko ang mukha ko. At nakita ko si Daddy na nakangiti sakin. "Kamusta kana Baby ko?" Lalapit sana siya sakin upang yakapin ako. "WAG MO AKONG HAWAKAN!! HINDI KITA KILALA!!" "BERNADETTE!! Wag mong bastusin ang Daddy mo! Daddy mo parin yan!" "Matagal ng patay ang Daddy ko Mama!" Sigaw ko. Habang matalim akong nakatingin sa Daddy ko. Hindi ko siya kayang tanggapin dahil sa ginawa niya samin ni Mama. "I'm sorry Baby!" "Wag mo akong matawag-tawag na Baby!!" Sigaw ko. Tapos tumakbo ako palabas. Narinig kong tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ako nakinig sa kanila. Umupo ako sa garden ni Mama at doon ko binuhos ang iyak ko. Parang bumalik sa alaala ko ang ginawang pang-iiwan niya samin sa amerika. "Panyo Oh!" Sabi ni Patrick sakin. Sinundan kasi niya ako. "Bakit ka pa nandito? Umuwi ka na nga!" "Sinabi ko sa Daddy mo ako ang Boyfriend mo. Sabi niya ang swerte mo daw kasi gwapo ako at mabait." "Kapal ng mukha mo! Sinungaling ka pa!" "Gwapo naman! Ang Daddy mo kababalik lang dito sa pilipinas. Gusto kayong makita." "Hindi namin siya kailangan ni Mama. Para sakin patay na sya!" Tumingin siya sakin. "Gusto mo papatay ko na ang Daddy mo para mawala yang galit mo at makaganti ka?" Tinitigan ko siya. "Kaya mong gawin yon?" "Napakadaling gawin Idol. Ano papatay na natin? Sabihin mo lang." Nanahimik ako. Hindi ko naman gustong mamatay ng tuluyan si Daddy nasabi ko lang yon dahil sa galit ko sa kanya. Tumayo si Patrick. "Hihintayin kita sa loob. Ikaw na lang ang hinihintay namin para kumain ng Dinner. Kapag hindi ka dumating makalipas ang Kalahating Oras. Ibig sabihin gusto mong ipapatay ko ang Daddy mo." "Tinatakot mo ba ako Patrick?" Ngumiti siya sakin. "Hindi! Tinutulungan kitang magdesisyon." Sabay alis niya. "Seryoso ba siya?" Kausap ko sa sarili. Nagpalipas ako ng ilang minuto. Ngunit bago sumapit ang kalahating oras bumalik ako sa loob. Natakot ako sa sinabi ni Patrick. Baka usigin ako ng konsensya ko kapag pinapatay ko si Daddy. Lahat sila nakangiti ng bumalik ako. Pinilit ko na lang ang sarili kong makihalubilo kay Daddy. "Baby, thank you! Dahil pumayag kang mag dinner kasama ako. Ang sarap parin magluto ng Mama mo. Tapos ang sarap ng cake na ginawa mo." Sabi ni Daddy sakin. Bago siya magpaalam umuwi. "Hindi ako pumayag! Kung alam ko lang na ikaw ang bisita. Hindi ako nag effort gumawa ng Cake! Umalis kana wag ka ng bumalik!" "Bernadette! Sumusobra kana sa Daddy mo!" Galit na sabi ni Mama. "Pabayaan mo na sya Sweetheart!" Saway ni Daddy. "Matutulog na ako! Ayoko ng makipagplastikan sa inyo!" Sabay talikod ko. "Bernadette bumalik ka dito! Bastos kang bata ka!!" Sigaw ni Mama sakin. Ngunit hindi ko siya pinakinggan. Punong-puno ako ng galit sa dibdib para sa Daddy ko. "Bakit pa kasi siya bumalik. Hindi ko pa siya handang patawarin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD