•CHARM POV• Ramdam ko ang pag-iling ni Adam. "Wala kayo sa posisyon para diktahan ang dapat kong gawin." Napakalamig ng boses nito na talagang nakakakilabot. Natawa si Violet sa aking likod. "Habang natagal natigas ang bungo mo Adam," dismayadong saad nito, narinig ko naman ang mga nagkakalansingang mga alahas ni Violet. "Nasaan ba ang utak mo? Anong mapapala mo sa babaeng 'yan? Isa lang s'yang maduming probinsyana, tanga, mababang uri ng tao, walang alam sa fashion, walang ari-arian! In short, kahiya hiya s'yang babae na hindi mo dapat nilalapitan—" "Isang ungot pa galing d'yan sa mabaho mong bunganga, hindi ako magdadalawang isip na baliin ang leeg mo ng walang kahirap-hirap." Mabilis akong napalingon sa gawi ni Violet, nagulat ako nang makitang hawak hawak na ni Adam si Violet sa