•CHARM POV• "Atiyah ibaba mo 'yang baril mo." Humarang sa harap ko si Adam at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay na ngayon ay sobrang lamig na. Wala akong ibang nakikitang kasama ni Atiyah habang dala dala ang isang baril sa kanyang kanang kamay. Gumanti ako ng hawak kay Adam na s'ya namang mas lalo n'yang kina-harang sa aking harap. "Pagkatapos ng isang linggo ay mabuti't nahanap ko na kayo." Pigil ang hininga ko habang suklam na nakatingin sa kanya. Napaka-sama n'ya talaga! Hindi n'ya ba kami tatantanan? Dahan dahan itong naglakad sa kinaroroonan namin. "A-adam," bulong ko. Hindi ako natatakot sa kanya, sa katunayan nga ay kayang kaya namin ito ni Adam pero nag-aalala kami sa hawak n'ya. Sa isang maling kalabit n'ya no'n ay pwedeng may isang bumulugta sa amin dito. "Atiyah, bin