Kabanata 28 •CHARM POV• Mabilis 'kong inalagay ang ulam sa plato ni Sir at tumayo na ng tuwid. Napalingon naman ako sa kakadating palang na Justin, napangiti naman ako. Gwapo si Justin at hinding hindi ko iyon maitatanggi pero tila mas naging gwapo s'ya sa suot n'ya ngayon. Walang emosyon itong umupo sa isang upuan kasunod sina Sendo't Ando. Pati din sila ay lumiwanag ang mukha. Nakakadagdag ng porma nila ang suot nilang damit. Saan kaya kinuha ni Maam Glo ang mga 'yun? "Pati padamit, ako din?" Napalingon naman ako sa nagsalitang si Sir. Napataas naman ang dalwa 'kong kilay, ibig sabihin kanya ang mga 'yun? Kaya naman pala magaganda. "Adam, mga lumang damit mo na 'yan. Pinasuot ko na sa kanila dahil hindi namang pwede damit ko ang isuot nila. Lalo namang hindi pwedeng mga damit ni Ber