Kabanata 12 •CHARM POV• Ipinulupot ko ang towel sa aking katawan at inis na lumabas sa banyo. Matapos ang nangyari kanina sa pool ay mabilis na akong umalis do'n at dalidaling lumigo halos mamula na ang balat ko kakakayod sa aking balat gamit ang batong panghilod na dala dala ko. Hindi ko padin sukat akalain na nagawa n'ya saakin 'yun kahit na halata sa kanya na kaya n'ya iyong gawin ay hindi parin ako makapaniwala. Binuksan ko ang kabinet na naririto at naghanap ng pwedeng isuot. Basang basa kase ang damit na palagi kong isinusuot at nahihiya naman akong gamitin ang dryer na naririto. Hindi naman siguro magagalit si Maam Glo at ang magaling na alaga n'ya naman ang may kagagawan nito. Napatigil naman ako sa paghahanap ng damit na pwede kong isuot, muli kong naalala na ako na nga pala an