Jayden "JAYDEN?" Nahinto ako sa ginawang paglikom ng mga impormasyon tungkol kay Cherry at Mac nang marinig pagtawag ni Ara sa akin. "Jayden, are you in here? Jayden- there you are. Kanina pa kita tinatawag. Bakit hindi ka nasagot?" Inalis ko ang suot na salamin sa mata saka pinagsama-sama mga nakalap ko kanina. "Narinig kita kaya lang malapit ka na kaya hindi na ako umimik," Umirap siya saka inusisa ang mga ginagawa ko sa lamesa. "Mac and Cherry? Akala ko hihinto na tayo dyan?" Isinara ko ang information notebook ko at masuyong kinabig siya palapit sa akin hanggang sa mapaupo siya sa aking kandungan. "Sayang kasi ang effort natin noon kung 'di tatapusin. Our love story began because of them." "Ay hindi ba dahil crush mo umpisa palang?" Hindi ako umimik dahilan para tumawa siya ng