KALEB RAMDAM ko ang panginginig ng aking katawan sa takot habang buhat-buhat ko ang walang malay na si Charlie. Matapos ko siyang ibalot sa tuwalya ay agad ko siyang dinala sa kuwarto inihiga sa kama. "F*ck! Wake up, Charlie!" malakas kong mura habang ginigising siya. Agad kong tininngnan ang kanyang pulso upang masigurong walang masamang nangyari rito. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang matiyak kong humihinga pa naman ito. Ngunit hindi pa rin ako mapakali hangga't hindi ito natitingnan ng doktor. Kaya naman agad akong tumawag sa reception upang humingi ng tulong. "Send a doctor here this instant!" bungad kong sigaw sa front desk nang sagutin nila ang aking tawag. "Is everything alright, sir?" tanong ng babaeng sa kabilang linya. "Are you f*cking idiot? Would I ask for a doc