CHARLIE I feel guilty because of what I did. Alam kong walang ibang gusto si Kaleb kung 'di ang makakabuti sa akin. Ngunit sa halip na magpasalamat ako ay galit pa ang isinukli ko sa kanya. Marami na akong kasalanan kay Kaleb kaya't hangga't maaari ay ayaw ko nang dagdagan pa ang pagsisinungaling ko sa kanya. Pero paano ko sasabihin sa kanya na wala naman talaga akong sakit? Na hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi maaaring matuloy ang kung anong mayroon kami ngayon? Paano ko ipapaliwanag sa kanya na nakatali na ako sa isang pangakong kailanman ay hindi ko maaaring talikuran? Gusto kong bumalik sa labas at humingi nang paumanhin kay Kaleb. Ngunit natatakot akong baka ipilit pa rin niya ang tungkol sa sakit ko at wala pa rin akong maibigay na sagot sa kanya. Subalit bago pa m