Chapter 61

1112 Words

CHARLIE HAPUNAN na nang magdesisyon kami ni Kaleb na lumabas ng silid. Magkahawak-kamay naming tinungo ang komedor. Abot-abot ang aking kaba dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang mga magulang ni Kaleb matapos ang lahat nang nangyari. Bagama't batid ko na hindi naman tutol ang kaniyang ina, hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo na't muli naming makakaharap ang kaniyang ama matapos ng gulong ginawa ko noong nakaraang linggo.  "Oh, you're here. Come on, sit down. Let's eat," aya ng ina ni Kaleb nang makarating kami sa dining area. Hindi nakaligtas sa akin ang kaniyang pasimpleng ngisi nang bumaba ang kaniyang tingin sa magkasugpong naming mga kamay. "So, I heard you're living, Charlie. That's too bad. I thought we might get a chance to work with you longer," bungad ng ama ni Kaleb

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD