KALEB NAGPASYA akong umalis muna upang magpalipas nang sama ng loob. Nagtungo ako sa bayan upang pansamantalang makalayo sa lugar na iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi magawa ni Charlie na piliin ako. It was the first time in my entire life that I kneel down in front of anyone. I was never the type to beg from anyone but I did, just so Garrett would let her go. Malakas ang paniniwala kong si Garrett lamang ang makakapagpabago ng isip ni Charlie. Ngunti sa huli ay bigo pa rin ako. Hanggang sa huli ay si Garrett pa rin ang pinili niya. "Kaleb, halika na. Umuwi na tayo, malalim na ang gabi saka marami ka nang nainom," aya ni Stephanie na nagpumilit sumama sa akin nang umalis ako sa bahay. "I'm fine. Kaya ko ang sarili. Sana hindi ka na lang sumama."