KALEB KAHIT nangako ako kay Garrett na ipagpapaliban ko muna ang paghahanap kay Charlie, hindi ko pa rin napagilan ang aking sarili na gumawa nang paraan upang malaman kung nasaan ito. Ilang oras din akong naglibot-libot sa isla, nagbabakasaling hindi pa ito nakakaalis ngunit bigo akong makita ito. Sa huli ay nagpasya na rin akong sundin ang payo ni Garrett at kumuha na lamang ng eksperto upang hanapin si Charlie. Tumawag ako sa kakilala kong may kakayahan at koneksyon na humanap ng mga tao. "Hey, dude. I need your help," bukod ko sa kakilala kong imbestigador. "Ang tagal mong nawala, tapos tatawag ka lang para humingi ng pabor?" pabirong bungad nito sa akin. He was my friend from college. Kasama namin siya ni Garrett noon. He's been working as private investigator. "I know, I know, I