Ilang beses nang napapansin ni Aaliyah, na si Aaron ay laging umiiwas. Binalak niya itong lapitan upang tanungin subalit may tumawag sa cellphone nito kaya siguro nagmamadaling umalis. Kahit ang mga biyenan ay hindi niya masyadong nakikita. Sabagay sa laki ba naman ng mansion kaya kung hindi sasadyain na punatahan ang mga iyon ay talagang imposible. “Aaliyah, hija may dinaramdam ka ba?” “M-Mommy Nicole, wala naman po medyo naiinip lang ako dahil magmula nang mamatay si N-Niko. Hindi pa rin yata ako nasanay na wala na ang asawa ko at hindi na kailanman babalik.” “Kung gusto mong lumabas ay sasamahan kita o kaya naman ay nariyan ang mga bodyguard. Kahit saan mo gustong pumunta ay maaari ka nilang dalhin magsabi ka lang.” “Salamat po mommy Nicole, gusto ko sanang magpunta sa puntod ng as

