bc

THE RETURN

book_age16+
1.5K
FOLLOW
5.8K
READ
revenge
tragedy
mystery
vampire
magical world
betrayal
first love
lies
secrets
superpower
like
intro-logo
Blurb

What will you do if you were Zurie? Matapos mangyari ang napakapait na nakaraan ay bumalik sya. But, she's not the old Zurie Anymore. She's Allison now. She shows no mercy, she knows how to fight, and she knows that Oliver is the only one she can trust.. or not?

Book 2 of Vampire Academy

Book cover by: CoveryMyst

chap-preview
Free preview
SHE'S BACK
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ She's Back ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ "I understand," sagot ng isang babaeng nakasuot ng pulang maskara at pinatay ang tawag. Ngumiti ang pula n'yang labi at nagsimula nang pumasok sa isang Hotel. Naglakad s'ya ng normal sa loob. Hindi maiiwasan na pagtinginan s'ya ng mga tao dahil sa suot n'yang maskara at dress na puti. Nagtungo s'ya sa isang kwarto kung saan may nagaganap na Party. Pumasok s'ya sa loob at napukol ang tingin ng mga tao sa loob na nagsasayaw sa kan'ya. Agad na nahagip ng mata n'ya ang pakay n'ya. Nakita n'ya ang isang lalaki na nakatalikod at nakasuot ng gray na suit. Agad s'yang lumapit dito. Nang maramdaman s'ya ng lalaki ay humarap ito sa kan'ya at tinignan s'ya nito mula ulo hanggang paa at ngumiti. "What's your name?" tanong nito pero hindi ito sinagot ng babae bagkus ay hinawakan n'ya ang necktie nito at hinila papalabas. Nakangiti at masaya namang sumama ang lalaki sa kan'ya na nakatingin sa kanyang katawan. "Where are we going?" tanong ng lalaki sa babae. "Hell," nakangising sagot ng babae at pumasok sila sa elevator. "Hell? pero mas masaya sa langit," nagbibirong sagot ng lalaki. Tinignan n'ya ang lalaki at nakita n'ya na isa lang din ito sa mga lalaking walang kwenta. "Bakit ka pala nakasuot ng mask?" tanong ng lalaki at akmang tatanggalin ang masakara ng babae pero agad s'yang umilag. "What are you doing?" irita na tanong ng babae rito. "Let me see you face," utos ng lalaki. "You'll see my face later," sagot nito. Pagkabukas ng elevator ay lumabas na sila agad. Nagtaka ang lalaki dahil sa Rooftop ang bagsak nila. "Anong gagawin natin dito?" "Ano bang gusto mo?" tanong ng babae at humakbang papalapit sa lalaki. "Sino ka ba?" kinakabahang tanong ng lalaki sa kan'ya na ngayon ay napapaatras na. "Me?" tinuro ng babae ang sarili at tumawa saglit. Nang mapasandal ang lalaki sa pader ay umatras ng kaunti ang babae at tinggal ang pulang maskara. Kahit madilim ay may kaunting liwanag padin sa paligid. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang makita na pamilyar ang magandang mukha nito. "Ikaw yung kasama n'ya, diba?" natatakot nitong tanong. Ngumiti naman ang babae at hinagis lang sa kung saan ang maskara nya. "Oo." "Anong ginagawa mo dito?" tumingin ang lalaki sa paligid. There's no way out. Cornered na s'ya. "Para bayaran ang utang mo sa kanya," sagot ng babae. "Teka! maawa ka.. please!" biglang lumuhod ang lalaki sa harapan ng babae at nagsimulang umiyak. Alam n'yang katapusan na n'ya. Tumungo naman ang babae para tignan ito na nagmamakaawa sa kan'ya. Sorry not sorry. She doesn't give mercy anymore. "Maawa?" natatawang tanong ng babae. "Sorry? that word doesn't work on me, fool," lumayo ng kaunti ang babae sa kan'ya at humanda sa pagsugod nito. "Please! wag! hindi ko alam kung nasaan iyon!" sabi ng lalaki at tumayo. "Wag ka sa'kin humingi ng tawad," sagot ng babae at tinaas ang kaliwang kamay. "Oo na! sasabihin ko.." bago pa n'ya gamitin ang kapangyarihan n'ya ay nagsalita na agad ang lalaki. "Nasaan?" seryosong tanong ng babae. "Troy. Nasa kan'ya," pinagpapawisan nitong sagot sa babae. "Paano ko masisiguradong nagsasabi ka ng totoo?" tanong ng babae dito. "Believe in me," sagot ng lalaki pero napakunot lang ang noo ng babae. Believe in him? gusto n'yang tumawa sa kan'yang narinig. "I Don't believe in you but.. mukhang nagsasabi ka naman ng totoo." "Maniwala ka.. nagsasabi ako ng totoo. Nakay Troy ito. Nasa Japan s'ya ngayon," sabi ng lalaki. "Pakawalan mo na ako. Please." Naalerto ang babae nang marinig n'yang bumukas ang elevator. "Damn!" bulong n'ya dahil nakatawag na agad ng katulong ang lalaking ito. Agad s'yang naglabas ng Ice spikes at pagkaturo nya sa lalaking nasa harap nya ay tumama ito sa buong katawan nito. "U-ugh.." nadikit sa pader ang katawan ng lalaki dahil sa mahahaba at matulis na ice spikes. "You deserved that," sabi ng babae. Pagkatalikod n'ya ay may nakita s'yang dalawang lalaki. Alam n'yang hindi ito mga tao. Mga bampira ang mga ito. Ngumiti naman s'ya sa dalawang lalaki. "What did you do to Victor?!" "You killed him?!" Galit na galit ang dalawa sa kan'ya ngayon. "Sabagay," mahinang sabi ng babae. "Magkakaibigan sila," tinaas n'ya ang kan'yang kaliwang kamay. "Wala akong planong kalabanin kayo," sabi ng babae sa dalawang lalaki. "Kami meron," simpleng sagot ng lalaki at naglabas ito ng isang card sa Bulsa tapos ay hinagis ito sa harapan ng babae. Napaatras ang babae at nakita ang isang Fox na kulay Itim at pula ang mga mata nito na masama ang tingin sa kan'ya. "Anong sinabi n'ya at pinapatay n'ya si Victor sa'yo?" tanong ng isa at naghanda. Nilabas nito ang salamin at sinuot. Napangisi naman ang babae. Alam na nya ang mga kaya nitong gawin kaya madali na lang sa kan'yang paslangin ang mga ito. Napatingin s'ya sa relo na suot n'ya at nanlaki ang mga mata. "Crap!" inis n'yang sabi dahil 30 minutes na lang at magsisimula na ang dinner party na pupuntahan n'ya sa kabilang Hotel. Huminga s'ya ng malalim at humarap sa dalawa. "Wala talaga kayong balak na paalisin ako?" tanong ng babae at sabay na umiling ang dalawang lalaki. Biglang sumugod ang Fox sa kan'ya pero agad s'yang umiwas dito. Bigla namang may nakita s'yang shadow na itim na tumatakbo papunta sa kan'ya at sa tingin nya ay kagagawan ito ng salamin na suot ni Giann at kinokontrol nito ang itim na shadow. Pumikit s'ya saglit at pinalamig ang temperature sa buong Rooftop. Padilat ng mata n'ya ay handa na s'yang kagatin ng Fox pero naglabas sya ng espada na gawa sa yelo at agad na sinaksak ito sa Fox. "Bella!" nag-aalalang tawag ni Rassel sa kan'yang alaga dahil natumba ito. "Bella?" kunot noong tanong ng babae. Dahil sa pag-iisip n'ya ay hindi n'ya napansin na malapit na pala sa kan'ya ang shadow. Sinuntok s'ya nito sa tyan at agad naman s'yang tumalsik sa pader. "Uhg." Napahawak s'ya sa ulo nya. Sino si Bella? bakit pamilyar ang pangalan na ito sa kan'ya? bakit parang may nakalimutan s'ya? Belladona. "Ahhh!" agad s'yang napatingin sa shadow nang may hawak itong baril at itinama sa kan'ya pero agad s'yang tumayo at slow motion na nagbend ang katawan para hindi matamaan ng bala. Mabilis s'yang nakarating sa kinaroroonan ng shadow dahil narin sa naging yelo na ang sahig at madali na sa kanya ang kumilos pero hindi ang shadow ang pakay nya. Kundi si Giann dahil kahit anong gawin nya sa shadow ay hindi ito natatamaan ng espada nya. Pagkadating n'ya sa shadow ay pinaulanan nya ito ng ice spikes. Alam n'yang tatagos lamang ito sa Shadow kaya naman ay tumama ang mga ice spikes kila Giann at Russel. Hindi naman ganun kalala ang natamo nila dahil wala ring balak na patayin sila ng babae. Pagtingin nya sa relo ay agad n'yang binalik sa normal ang temperature sa rooftop. "Mauna na ako," paalam n'ya sa dalawa at binigyan sila mg matamis na ngiti bago tumungtung sa railings at tumalon dito. Pagkatalon nya ay kumapit sya sa isang mahabang bakal pababa. Wala syang choice kundi punitin ang dulo ng dress n'ya at hawakan ang magkabilang dulo nito at inilagay sa bakal bago bumaba para mapabilis ang pagbaba nya. Napangiwi sya ng maramdamang nagasgasan ang kan'yang kamay. Nang makarating s'ya sa baba ay napatingin s'ya sa kamay n'ya na may dugo. Binaliwala n'ya lang ito dahil gagaling din naman ito ng kusa. Agad naman s'yang tumakbo papunta sa kabilang Hotel. Habang tumatakbo ay ginamit n'ya ang kapangyarihan n'ya na ayusin ang suot n'yang puting dress into a Deep ocean blue evening gown. Tumigil s'ya saglit sa isang street na walang tao at gumawa ng salamin gamit ang yelo na kapangyarihan n'ya sa pader tapos ay tinignan ang sarili. Hindi naman nasira o nagulo ang ayos ng kan'yang buhok at make up kaya naman tumakbo na ito ulit. Pagkapasok na pagkapasok n'ya sa Hotel ay pinagtinginan na naman sya ng mga tao rito. Nang makarating s'ya sa pinakamalaking room kung saan gaganapin ang Reuninion o dinner party ng mga kamag-anak ni Oliver ay binuksan na n'ya ang pinto. Napatingin sa kan'ya ang mga bampira. Nagtataka ang mga mukha nila dahil hindi s'ya pamilyar sa kanila. "You're late," sabi ng isang lalaking nakasuot ng dark blue na suit na may design na gold. Nakataas ang buhok nito at ngumiti sa kan'ya. "It's because of you," asar na sagot ng babae rito. "Sorry," natatawang paumanhin ng lalaki. "Whatever." Umirap na lang ang babae at kumapit na sa braso ng lalaki. "Ready? ipapakilala na kita sa family at relatives ko," sabi nito at huminto saglit. "But my dad and mom is not here," mahinang dugtong n'ya. "It's fine," sagot ng babae. "Let's go, Allison." Tumango ang babae at nakangiting sumama kay Oliver. Nagtungo sila sa isang tahimik na kwarto kung saan kumakain ang mga kamag-anak at kaibigan ni Oliver. She's Back. And now, She's Allison Kramer. ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ The Beginning ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

POSSESIVE MINE

read
971.7K
bc

My Godfather My husband

read
269.6K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook