"Tita Althea, ipagpapaalam lang po sana namin si Sweetie may pupuntahan lang po kami importanteng importante lang po." Paalam ni Lui kay Althea. "Sure hijo. Ihatid niyo na lang si Sweetie sa bahay ha. Magiingat kayo." "Sige po salamat." Umalis sa party ang tatlo sakay ng kotse ni Lui. Walang alam si Althea sa nangyayari. Napansin naman ni Cezzie ang pag alis nila. Mukhang nagsususpetsa ito sa biglaang pag alis ng tatlo. "Sweetie kaya mo pa ba? Namumutla ka na." Medyo natataranta na si Lui sa kalagayan ni Sweetie. Nahihilo raw ito kaya nakasandal siya sa dibdib ni Lui. "Rio bilisan mong magmaneho baka mapano na to eh." "Malapit na ngang lumipad ang kotse eh. Malapit na tayo." Kahit si Rio ay nagaalala na sa kalagayan ni Sweetie. "S-salamat sa inyong d-dalawa ha." Nanghihinang tugon n