Ito na ang araw na aalis kami. Magbabakasyon kami. Kagabi, para silang mga bodyguard na nakabantay sakin. Ni hindi na sila nakatulog mabantayan lang ako. Gaya ng sinabi ko, ibinili ako ni Ace ng jelly ace. At limang pack pa! Nandito na kami sa harap ng malaking gate ng mansion. Ready to leave na. Sa isang beach resort kami pupunta. Kina mommy ang resort na yon binili daw nila 3 years ago. Dala nina Lui at Rio ang isang malaking van. Hindi na sila nagdala ng sarili nilang mga sasakyan para daw magkakasama kami para daw masaya ang trip papunta sa resort. "Sino pang hinihintay?" Tanong ni Lui. Naka white t-shirt ito at nakashorts na orange gaya ni Rio, blue naman ang shorts niya na may palm trees na design. "Si Jelly padating na. Saka si Gray." sagot ni Ace. Bigla ay may naramdaman akon