Dalawang araw na ang nakalipas mula ng umuwi kami galing sa tour namin sa Palawan. Lalo na kasama ko si Rad. Kaso hindi ako masyadong nakapagligo sa dagat dahil, pagkatapos ng gabi na yun namin ni Rad ay dumating ang menstruation ko. Pangit naman na magliligo ako sa dagat na may napkin ano? Tsaka may dugo pa.. Eh di kawawa ang walang alam na katabi ko maligo diba? "Pasok na ako." Paalam ko kay Rad. Nasa tapat kami ng school. Hinatid niya ako.Malapit na kasi ang exam kaya kailangan na makapag review ako ng mabuti dahil bagsak ako nung kailan nang nag-break kami ni Rad. Siya naman ay hindi papasok dahil may meeting daw siya ngayon sa Architect na gagawa ng Designs sa beach niya sa Negros. "Mamaya na." He

