Just one doorbell at the doorstep of Meiryn’s unit, at pinagbuksan naman kaagad siya ng nakangiting dalaga. “Nariyan ka na pala? Tamang-tama! Halika, pasok ka,” welcoming na anito saka niluwangan ang pinto para papasukin siya. She even offered him a seat. Tumango siya at naupo nga sa isa sa mga couch. “Alam ko na kung anong gusto mo. It’s coffee, right?” He smiled a bit and nodded, but actually, deep inside it’s just a forced smile dahil apektado pa rin siya sa mga nakita at nabasa kanina sa kanyang Ipad. Sinundan ng tingin niya ang dalaga nang tumungo ito sa kusina nito para ipagtimpla siya ng kape. Walang sali-salitang tumayo siya’t tahimik na sinundan ito nang hindi nito namamalayan. Nang makalapit ay walang anu’t-ano’y iniharang nitya ang mga kamay sa magkabilang gilid ng dalaga