Excerpt
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.
This story contains mature themes. Read at your own risk.
Excerpt
Nagkatinginan sila matapos ilapag ni Elise sa malapad na desk ng kaniyang boss ang mga papeles na kailangan nitong pag-aralan at pirmahan. Sumilay ang isang ngisi sa guwapo nitong mukha at tahimik siyang sinenyasang lumapit dito. Nangingiti na rin siyang umiling at unti-unting lumapit sa lalaki.
Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kinauupuan nitong swivel chair ay hinila na siya nito at kinandong. Kumawala ang mahinang tawa sa mga labi niya. Sumunod na pinalibot ang mga braso sa leeg at batok nito, habang nakapulupot naman ang mga braso nito sa maliit niyang baywang.
Ilang sandali silang nagkatitigan. Parehong may ngiti sa kanilang mga labi. Hanggang sa marahan niyang pinikit ang mga nang unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kaniya. Naglapat ang kanilang mga labi at tinanggap ni Elise ang sa una ay mababaw nitong halik na kalaunan ay naging malalim.
Humigpit ang kapit niya sa batok ng lalaki habang dumidiin din ang hawak nito sa kaniyang baywang.
Nasa leeg na niya ang mga labi nito at nag-uumpisa nang lumikot ang mga kamay sa maseselang parte ng kaniyang katawan nang biglang mag-ring ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng desk nito.
"Stefan..." tawag niya.
Nagsisimula na rin siyang mag-init sa sensasyong dulot ng ginagawa nila. Ngunit paulit-ulit at hindi halos tumigil sa pag-iingay ang cellphone ng lalaki.
Dumapo ang mga mata niya sa kinaroroonan no'n at nasilip ang nakarehistrong pangalan ng caller. Catherine. Ang kaninang init ay unti-unting napalitan ng lamig.
Marahan niyang tinulak ang lalaking mukhang walang pakialam sa cellphone nitong nag-iingay at abala lamang sa paghalik at pagdama sa kaniyang balat. "Stefan... ang phone mo,"
Tumigil naman ito sa pamimilit niya. Umalis siya mula sa pagkakandong dito at inayos ang halos nagusot na blouse at pencil cut skirt. Halata pa sa lalaki ang pagkakairita nang sagutin nito ang tawag.
"What?" walang gana at halos pagalit nitong sagot sa tumawag mula sa kabilang linya.
Nagkatinginan sila. Tumayo ito at tinalikuran muna siya habang nakikipag-usap sa telepono. It was a short call, like usual. Mabilis na tinapos ng lalaki ang tawag. Pagkatapos ay muli siya nitong binalingan at nilapitan.
Marahan siya nitong hinapit at hinalikan sa kaniyang noo. Tumingala siya rito. "Pinapauwi ka na ng asawa mo?" sinubukan niyang ngumiti na para bang biro lang iyon.
Ngunit siguro nakita pa rin nito ang sakit sa kaniyang mga mata na nakitaan niya rin ito ng awa at guilt. Para sa sitwasyon nila. Para sa kanila.
Ngumiti siya na para bang ayos lang ang lahat at tinanguan ito. "Umuwi ka na." udyok niya.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga at unti-unting tumango. Pinakawalan siya. Umatras siya bago tumalikod at nauna nang lumabas sa malaki nitong opisina.