"Mommy, I don't want to get married," iyak ko kay Mommy. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng almusal. Nagkatinginan silang tatlo, ngunit muli ding nagpatuloy sa pagkain na parang wala silang narinig. "Mommy, please, help me." "Naisip mo sana iyan bago ka gumawa ng kalokohan," sabi niya habang madiin na hinihiwa ang hotdog. "Si Lance ang gusto ko." Mommy and Kuya scoffed. Si Daddy naman ay dinampot ang kaniyang dyaryo at tinakip ito sa mukha. "And Lance don't like you. That's the consequences of your foolishness." "Mommy, I don't like Bjorn." "Start liking him," madiin niyang sagot Magmamakaawa sana ako kay kuya, kaso nakataas ang kilay niya sa akin habang humihigop sa kaniyang kape. "May nangyari sa inyo, ayaw kong maagrabyado ka. Nag-iisa ka naming anak na babae," sabi na