"Cheers!" Pinagbangga namin ang aming mga wineglass.
"Mabuti naman at naalala mo na kaming siputin." Taas ang kilay na tiningnan ako ng mga kaibigan ko.
Nandito kami ngayon sa bar. Masama ang loob ko ngayon, dahil sa nalaman ko. Nililigawan daw ni Lance ang kaniyang assistant sabi ng mga staffs doon sa center.
Nakasasama ng loob. Lance knew that I like him so much. Bakit hindi na lang ako?
Hindi ako nagsasalita. I don't want to talk. I want to shout. Ganoon ako kagalit.
"Problem? Huwag mong sabihing broken hearted ka? E, wala ka namang boyfriend."
"Kaya nga siya broken hearted, e, kasi wala siyang boyfriend."
Nagtawanan at apir pa ang mga loka-loka. Masama ko silang tiningnan.
"Hindi mo kasi ginawa iyong tinuro namin sa'yo, e."
"Kumuha ka ng aso tapos araw-araw kang magpunta doon."
Iyon nga ang ginawa ko!
"Kumuha ako ng aso, kaso hindi naman effective. He's pursuing his assistant."
May diin kong sabi. Sumakit din ang gums ko, dahil sa pagkakadiin ng aking ngipin.
"Iyon lang... Cheer up, girl!"
"Hindi naman ganoon ka-guwapo si Lance. Madaming lalake diyan na mas guwapo sa kaniya." Tumango-tango pa silam Ano'ng hindi guwapo?!
"Ang guwapo kaya niya!" sigaw ko sa dalawa. Mga bulag ba 'tong mga 'to? Wala talaga silang taste.
"Tss! Chill, okay? We're your friends."
"Bakit kasi hindi na lang ako ang gustuhin niya?" Tumungga ulit ako ng alak.
"Bakit kasi hindi na lang iyong friend niya ang gustuhin mo?" tanong naman niya pabalik sa akin.
"Sino na ba iyon?" tanong ni Raffa.
"Si Ardent? I don't like him. At saka may girlfriend na iyon." Guwapo, matangkad, sporty at gentleman. Kaso, no. I want Lance better.
"No. Not him. Iyong isa."
Nalukot ang mukha ko. "Si Bjorn?"
"Yes! No offense, huh, pero sa kanilang magkakaibigan, siya iyong pinakaguwapo."
"Si Lance ang pinakaguwapo sa kanila," giit ko naman. Mas lalo lang uminit ang ulo ko, dahil sa pinagsasabi nilang dalawa.
Inismiran ako ng dalawa. "Uminom na nga lang tayo. Hindi ka naman nakikinig sa mga sinasabi namin sa'yo."
"I really like Lance. I want him," naiiyak kong sabi sabay inom ulit.
"What can you do? He like someone else."
Parang gusto kong maglupasay. Why can't he like me? Maganda naman ako. Sexy. I can be nice. I can do all the house chores, kahit na may maid naman kami sa bahay.
"Sasayaw kami. Ano magmumukmok ka lang ba diyan?"
Hinila ako ng dalawa hanggang sa dance floor.
Habang sumasayaw, napatingin ako sa VIP room sa taas. Glass ang wall nito kaya kita sa loob ang mga tao. Napansin ko sina Ardent at Bjorn na nag-iinuman doon. Silang dalawa lang. Wala si Lance.
"Oh, that's a sign..." sabi ng kaibigan ko na nakatingin na din sa taas.
"Sign that Bjorn is better than Lance." Better? Napakalayo! Sa dami ng ikukumpara niya kay Lance, si Bjorn pa talaga?
"I don't like him. Besides, mas bagay siya sa inyo..."
Tumawa ang dalawa. "Tinanggihan kami, kasi kaibigan ka daw namin."
Tumawa ako. Iyon ang dahilan niya? Hindi naman ganoon kaganda ang mga kaibigan ko, kaya hindi na nakakapagtaka na tinanggihan sila ni Bjorn. Nasa average lang ang ganda nila.
Hindi maganda ang mood naming tatlo, kaya bumalik ulit kami sa aming table.
"Tulungan niyo ako..."
"Kaya ayaw ko sa love na iyan, e. Mas okay pa na kumuha ka na lang ng fling."
"Yeah, right..."
Liberated ang mga friends ko. Ako slight lang, dahil hanggang SOP lang ang kaya ko, samantalang sila ay may nga karanasan na. Pero walang mga karelasyon ngayon.
Lasing na kaming tatlo at ilang minuto na lang ay mag-a-alas-onse na din. Maya-maya lang ay susunduin na ako ng mga bodyguard.
"Mag-restroom lang muna ako," paalam ko sa kanila.
"Sige, sayaw lang kami saglit." Mukhang may nakita silang guy na flavor of the night nila, kaya magpapapansin sila.
Paglabas ko ng banyo, may nakabanggaan ako.
"Hoy, binangga mo ako, hindi ka man lang ba mag-so-sorry?"
Tiningnan ko 'to. Hindi worth it pag-aksayahan ng oras, dahil halata namang hindi ko ito ka-level. Cheap ang damit at ang mga gold na suot ay light weight lang.
"Ano, huh?!" She's with her friends na kagaya niya na mukhang social climber din. Cheap!
"Tsk. Loser." Mapang-insulto ko silang tiningnan bago ako tumalikod.
Sumigaw sila pero nakalayo na ako.
"Girls, uuwi na ako." Paalam ko sa mga kaibigan ko, dahil wala namang silbi pang mag-party. Wala ako sa mood. Saka ayaw kong magmukhang kawawang chaperone, dahil may mga partner na silang nakuha.
"Okay, take care!"
Wala pa ang bodyguards ko paglabas ko, kaya nagsindi na muna ako ng yosi. Sumandal ako sa dingding at kung kailan ibubuga ko na ang nikotine, may biglang sumabunot sa akin.
"Buti naman at lumabas ka na..."
They're drunk and very arrogant. Napaghahalataan na taga-iskwater sa mga inaasta nila. Hindi sila nababagay dito, sa ibang klase ng club sila nababagay.
As a karate black belter, napatumba ko sa sahig ang babaeng nanabunot sa akin.
"If I were you, hindi ko na itutuloy ang plano kong gawin," banta ko sa mga babaeng kasama niya, na nakahanda ng ihampas sa akin ang mga cheap na mga bag nila.
"Baka hindi niyo ako nakikilala..."
"Damn it!" Inilagan ko ang bag na hinampas sa akin, pero naramdaman ko ang bakal na sumayad sa aking leeg.
Sinipa ko sila at ilang sandali lang ay nakapulagi na sila sa sahig. Iyong isa na plano pang tumayo ay sinakyan ko at pinagsasampal. Siya iyong sumugat sa akin.
"Reigna, stop it!" May malalakas na braso ang yumakap sa akin na pilit kong nilabanan, pero naitayo na niya ako at nailayo sa babae.
Tinulungan naman ng mga bouncer at ni Ardent ang mga babae.
"Bjorn..." Napataas ang isang kilay ko. Kilala ng babae si Bjorn. Hindi na ako nagtaka.
"Hindi na ako nagtaka na kilala mo sila. That explains their cheap bags. Pasok sa cheap mong taste."
Pumalatak si Bjorn at hinila ako palayo.
"Ihatid na kita, you're drunk."
"Ba't ba parang iniisip mo na ako ang nagsimula sa gulong iyon?"
Hindi siya nagsasalita. "Hindi ako sasama sa'yo! Kaya kong umuwi mag-isa."
Bumuntong hininga siya at sinubukan akong habulin, pero dumating na ang mga bodyguard ko. Kinausap sila ni Ardent at ang mga babae naman na kanina ay matatapang, ay nag-iiyak na at nagsusumbong.
"Huwag niyo ng sabihin kay Daddy ang nangyari."
Hindi na kailangang makarating pa sa kaniya, dahil ayos lang naman ako. Kapag nalaman pa niya 'to tiyak na iiyak ng dugo ang mga babaeng iyan. Hindi ko kailangan ng pera, kapag nakiusap sila na makipag-areglo na lang.
Inabutan ako ni Bjorn ng isang band aid.
"What's that for?" nakasinghal na tanong ko. Naiinis ako dahil iniisip niya na ako ang nagsimula ng gulo.
Hindi ko iyon inabot kaya napasinghap na lang ako, nang ilapat niya ang band aid sa aking leeg.
Tinabig ko ang kaniyang kamay at masama siyang tiningnan.