Lucas Mabilis na natapos ang weekend namin. Lunes na naman at balik trabaho. Kasalukuyan kong ginagawa ang charting ko sa nursing station ng lumapit ang isang nurse sa akin. Balingkinitan ang katawan at nakabukas ang isang butones ng uniform sa may bandang dibdib. "Doc." "Sarah. What can I do for you?" nakangiting sabi ko sa kanya. "I was — uhm." Nahihiya itong napakamot sa leeg nya. "I was going to ask if you would like to have coffee with me." "Like a date?" kunot noo kong tanong sa kanya. Nahihiya itong tumango. These days, uso na talaga na ang babae ang nag aaya ng date sa lalake. Not being a sexist here, I am simply saying the world has changed and definitely evolved. "I'm sorry, Sarah. I am married and very much in love with my wife." Namula ito. "Oh, I'm so sorry. I didn't k