Heather Pauwi na kami sa bahay ng maalala kong tanungin ang asawa ko kung nakabili sya ng napkin. "Baby, were you able to buy me sanitary napkins?" I asked him while driving. "Yes, I went to the store before I picked you up. Nandyan sa back seat. Magkakaroon ka na?" "I think so. Ang sangit ng dibdib ko at puson pero wala pa naman dugo kanina." Kahit lalake si Luc, hindi na ako nahiyang pag usapan ang buwanang dalaw. Bukod sa doktor sya Obstetrician Gynecologist pareho ang kanyang ina at nag iisang kapatid. "Lalagyan kita ng warm compress mamya sa puson. It should help with the pain." Kinuha nya ang kamay ko at dinala sa labi nya. "So how did your talk with Dad go?" "He said no to the offer. Alam ko naman na 'yon ang isasagot nya. Kaya lang, kailangan ko pa rin na itanong." "That's