Heather Pagpatak ng alas kwatro ay umuwi na ako. I want to cook something good for Luc tonight. Dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng filet mignon at fresh asparagus. Nasa may vegetable section ako ng makaramdam ako na parang may nagmamasid sa akin. Lumingon ako at hinanap kung sino 'yon pero wala akong nakitang kakaiba. Lahat lang ay normal na namimili ng mga kailagan nila. "Fancy meeting you here." Sabi ng baritonong boses. Dadamputin ko na ang bungkos ng asparagus ng may marinig akong nagsalita. Bahagya pa akong nagulat ng makita kung sino. "Samuel. It's you again." Bahagya itong natawa. "The one and only." "Anong ginagawa mo dito?" Stupid! Malamang namamalengke rin. "I need veggies." Dinampot ko ang asparagus at nagpaalam na sa kanya. "Ah, sige mauna na ako. Magluluto p