Parang mas lumala pa ang sitwasyon ng bahay nila Yoyo. May mabait na ale na hinayaan akong mag-park sa bakuran nila, dahil hindi na maipapasok ang sasakyan. Masikip na ang eskinita. Kinuha lang namin sa compartment ang mga kalakal nila, bago binitbit ng mga ito saka sila humakbang palapit sa bahay nila. Bumuntot lang naman ako sa kanila. "Nandito na kami!" malakas na anunsyo ni Leng. Ang kuya nito ang kumuha ng dala ni Leng saka inilagay iyon sa gilid. "Mga mahal kong pamangkin!" bungad ng babaeng naka-daster na s'yang bumungad sa pinto. Minsan ko na rin itong nakita, noong nagtungo kami ni Vera rito. Parang noong time na iyon, ay s'ya iyong nakatayo sa tapat ng pinto or bintana? Ito ba ang Tita Zaynel nila? "Tita, may kasama po kami. Gusto raw po n'yang makita si Mama." Imporma