SA bawat araw na lumilipas ay hindi matiis ni Nickolas, ang asawa. Ang makitang iyak nang iyak si Amirah, ay nagbibigay sakit sa kanyang puso. At kung hindi siya gagawa ng paraan ay baka magkasakit pa ito. “Sweetheart, ‘di ba gusto mong magtungo tayo sa bahay ampunan?” “Nickolas, p-pupunta na ba tayo doon?” kitang kita niya ang biglang pag iiba nito ng mukha. Mabilis din tumayo at agad na naligo, nakalimutan na rin siyang yayain magsabay sila. Ganun pa man ay nauunawaan naman niya ang asawa. Talagang gustong malaman kung sino ang biological parents nito at gagawin niya ang kakayahan upang mahanap ang mga iyon. Para kanyang kabiyak ay sisikapin niyang ibigay ang makakapag pasaya dito. “Sweetheart, magbihis ka na at maliligo rin ako. Mabilis lang naman akong maligo.” “Ahm, sorry, Nickola

