Pagkatapos nung epic na maling basa ni Brad, wala ng may gustong hawakan yung envelope. Actually parang nakahinga kaming lahat na hanggang ngayon hindi pa rin namin alam ang totoo. Ang gago lang kase ni Brad, dadampot na nga lang maling envelope pa ang nadampot. Sinamahan na lang nila ako sa ospital para magtanong tungkol sa HIV pero wala pa akong planong magka check-up. Ayoko pa. "Dito lang kami sa tabi mo Paps, h'wag kang mag alala, h'wag kang matakot sa dugo." At eto na naman si Brad, pabida na naman. "Gago. Ikaw ang takot sa dugo. Hindi ako." Nung tinawag na nung nurse yung pangalan ko, pati silang lima kasunod ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao kase syempre, gwapo kami. Pero paano kaya kapag nalaman nila kung bakit kami nandito? Baka mag unahan pa sila sa pagtakbo palayo. "I feel