PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ace AiTenshi March 2, 2016 Part 36: Simula ng Katapusan Binalot ng matinding takot ang buong mundo dahil sa pag sulpot ng isang higanteng bagay sa itaas ng Earth. Ang mga tao ay tila nasisiraan na nga bait dahil paniniwalang pinarurusahan ng langit ang mga kasalanan ng tao. Ang iba naman sa kanila ay gumawa ng kanila kanilang kulto at samahan upang mailigtas sila mula sa tiyak na pag kagunaw ng daigdig. May ilan naman na nag paubaya nalang sa mga posibleng mag