Ace AiTenshi Feb 27, 2017 Part 34: Perpektong Pag ibig Lumipas ang ilang linggo at muling bumalik sa normal ang takbo ng buhay namin ni kuya Samuel. Ngayon ay mas lumalim pa ang aming samahan at mas tumitibay ito hanggang lumilipas ang mga araw. Naging normal ang pag papakita namin ng lambingan sa loob aming bahay, yung tipong para kaming tunay na mag asawa bagamat nanatili pa ring pribado ang aming relasyon maliban sa mata nina mama at papa. Tungkol naman sa aming siyudad na labis na napinsala, ngayon ay unti unti na itong bumabangon. Sa pag tutulungan na rin ng malalaki kompanya at ahensya sa buong lungsod. Pinag usapan rin ang pakikipag laban ko sa mga robot na nag tataglay ng likidong metal at kasabay noon ay nalinis ang aking pangalan. Nag public apology pa ang pulis si